"Clarkey!"
Patakbo akong lumapit kay Clarke at niyakap siya patalikod. Isinandal ko ang ulo ko sa likod niya at bahagyang ipinikit ang mga mata. Hinayaan niya ako sa ganoong posisyon. He gently squeezed my hand and then he spoke.
"You look tired. Do you want to rest?"
I nodded. "I want to rest with you."
Dahan-dahan siyang humarap sa akin pero nakayakap pa rin ako sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan papasok sa passenger seat.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang magsimula na siyang magmaneho.
"In my place," sagot niya.
"Saan 'yon? Sabi mo magpapahinga tayo? Ayaw mo ba sa condo ko na lang?" Sunod-sunod na tanong ko.
"P'wede tayong magpahinga roon,"
Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero medyo mahaba ang byahe bago kami nakarating sa tapat ng malaking bahay. Kinuha niya ang mga gamit namin at inaya ako papasok sa loob.
"I told you na hindi pa ako handang harapin ang parents mo," Hindi ako sumunod sa kaniya nang pumasok siya sa loob.
"This is not my parents' house," aniya.
"E, kaninong bahay 'to?"
"Resthouse," maikling sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa 'kin. Parang doon natoon ang atensyon ko, hindi sa bahay. Binitawan niya rin ako nang makarating na kami sa veranda ng second floor. Na-disappoint tuloy ako nang hindi ko na maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Madalas ka rito?" Tanong ko at umupo sa bench.
"Ngayon na lang ulit ako nakapunta rito," umupo siya sa tabi ko at hinawakan ulit ang kamay ko. Pinisil pisil niya ito at marahang pinagsiklop ang aming mga daliri. "You can lean on my shoulder if you are tired." He smiled at me.
"Hindi na. I want to watch the sunset," nag-angat ako ng tingin sa papalubog na araw. I could see out of the corner of my eye that Clarke was just staring at me. His face was just calm as he stared at me. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kaniya.
He shook his head. "Are you hungry?"
Napangiti ako nang mag-iwas siya ng tingin sa akin. "I'm not hungry, Clarke," I leaned my head on his shoulder and we watched the sunset together. "I want to come here every night." Bulong ko.
"You want?"
"Yeah,"
"I can take you here every night," he replied.
Nag-kwentuhan lang kami hanggang sa dumilim na. Niyaya niya akong humiga sa blanket para hindi kami mangawit kakatingala sa langit. Ang linaw at liwanag ng buwan mula sa pwesto namin kaya ang gandang tingnan. Gustong gusto ko talaga 'yung ganitong tanawin.
"Thank you," usal ko.
"For what?" Lumingon siya sa akin.
"Thank you for coming into my life," bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak na nakapatong sa t'yan niya. He gently stroked my cheek so I closed my eyes. I bit my lower lip when I felt his soft lips on my forehead. He kissed me on the forehead!
"I'm here and I will always be here for you," He says.
Katahimikan ang kasunod no'n. Pumasok saglit si Clarke sa loob para kumuha ng isa pang blanket nang makitang nilalamig ako. Pinatong niya ang blanket sa balikat ko at muling umupo sa tabi ko.
YOU ARE READING
Love me till the end
Fanfiction"If fate leads us together, we'll meet again in the future" Status: Ongoing