"What do you want us to do?"
Pagkatapos naming kumain sa restaurant ng hotel ay naisipan muna naming maglakad lakad habang hindi pa masyadong mainit sa labas. He put his hand on my waist as we walked along the beach. I faced him and placed both my hands on his shoulders.
"I like this kind of silence," I just looked straight into his eyes. "Gusto mo bang mag-swimming?"
Umiling siya. "Maglibot-libot na lang tayo. Do you want to buy something?"
"Bili tayo souvenirs," Niyaya ko siya sa bilihan ng mga souvenirs. Nakasunod lang siya sa 'kin dahil wala naman daw siyang bibilhin. "Hindi ka bibili ng pasalubong para sa mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"They don’t need those," Aniya.
"E, food?"
"They are not fond of food,"
Napasimangot ako. Curious tuloy ako kung paano sila mag-bonding magkakaibigan. Sa kanilang tatlo nina Lucas at Kael, si Clarke ang pinakatahimik at hindi mahilig sa babae. Unang tingin ko pa lang kasi kina Lucas at Kael, pakiramdam ko sila 'yong tipo ng lalaki na araw-araw may kasamang babae sa condo. Babaero, ganoon.
"Ang cute nito, 'di ba? Subukan natin sa 'yo," Isinuot ko sa ulo niya 'yong cute na headband. Hindi naman siya umangal at pinanood lang ang reaksyon ko. "Ang cute mo!" Pinisil ko siya sa pisngi.
"Are you done?" Tanong niya.
"Sandali, huwag mo munang alisin," nilabas ko ang cellphone ko. "Smile!" Then I took a picture of him. Nakasimangot siya sa unang picture kaya inulit ko. "Smile, love."
"Are you done?" Sumama na ang timpla ng mukha niya. Mukhang nababagot na siya kaya tinigil ko na ang pagkuha ng picture sa kaniya.
"Hintayin mo 'ko rito. May titingnan lang ako roon," saad ko sa kaniya. Iniwan ko muna si Clarke roon sa ilalim ng malaking puno para maghanap ng p'wedeng pasalubong para kay Aria. Si Chloe ay nasa Nueva Ecija ngayon at next week pa ang uwi niya. Kami naman ay bukas na ang uwi dahil wala na rin kaming gagawin dito.
"Magkano po ito-" Hindi ko natuloy ang balak kong itanong sa tindera nang paglingon ko sa p'westo ni Clarke, may kumakausap ng dalawang babae sa kaniya. Mga foreigner at mukhang hindi naman interesado si Clarke sa kanila.
Kahit na! Babae 'yon at naka-bikini pa! Galit akong nag-iwas ng tingin kay Clarke nang makitang papalapit na siya sa 'kin. Nang huminto siya sa tabi ko ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Sino 'yong mga 'yon?" Tanong ko, naiinis.
"They are just asking for directions, Love,"
"E, bakit sa 'yo nagtanong? Ang dami namang p'wedeng pagtanungan diyan, ah," Inirapan ko siya. At talagang tinawanan lang ako ng gago!
"C'mon, babe, ni hindi ko sila nilingon. I don't care about them, okay?" He tried to hug me but I immediately avoided him. "Let’s not exaggerate this pointless argument, Callie."
Hindi ko siya pinansin dahil ayoko nang makipagtalo sa kaniya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad nang hindi siya nililingon kahit panay ang tawag niya sa pangalan ko.
"I need your attention," He said calmly. "Love..."
"Stop following me!"
"I'm your boyfriend, Callie,"
Nahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa kaniya. I bit my lower lip when I saw his serious face. Ang babaw ko naman para magalit sa kaniya nang gano'n. I feel guilty.
YOU ARE READING
Love me till the end
Fanfiction"If fate leads us together, we'll meet again in the future" Status: Ongoing