"Ang ganda,"
Alas otso ng umaga nang makarating kami sa isang resort na maghahatid sa 'min sa white island. Papasok na kami ngayon sa mga bangka. Nagarkila lang kami ng bangka patungong white island. Nilabas ko ang camera ko para kunan ng picture 'yong magagandang view. This place is so relaxing.
"If you're tired, just lean on my shoulder," Ani Clarke sa akin. Nakayakap siya sa baywang ko para hindi ako mahulog sa tubig. Habang busy ako sa pagkuha ng picture ay nakatingin lang siya sa akin.
"I'm not tired," I said. Kinuhanan ko ng picture si Clarke habang nakasandal ang baba niya sa balikat ko. He smiled and kissed me on the cheek.
Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ay naisipan muna naming magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang byahe. Ang dala kong damit ay puro bikini tapos shorts, long beach dresses, at sleeveless. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito dahil 5 days kami rito.
Malaki ang hotel kaya worth it ang binayad ko. May private balcony at mayroon do'ng outdoor bathtub, jacuzzi, and daybed kung saan p'wedeng magpahinga o matulog. Ang view no'n ay 'yung private beach. Walang tao roon at kung mayroon man, kaunti lang din.
Malaki rin ang C.R. Dalawa ang sink, may shower at may bathtub din na magkahiwalay. May coffee maker sa kusina at ang pinaka nagustuhan ko ay mayroong mini-bar! Napangisi ako at inisip na kung kailan kami mag-iinom ni Clarke.
Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit, lumabas kami para maglibot-libot. Nakarating kami roon sa mga tindahan at hilera ng restaurants. Si Clarke na ang pinapili ko ng restaurant kung saan kami kakain dahil siya naman ang magbabayad.
Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan si Clarke habang kumakain siya ng seafood. Balak ko sanang ipost iyon sa IG story ko nang matuon ang atensyon ko sa IG story niya nakakapost lang din. Inopen ko iyon at muntik na akong masamid sa iniinom nang makitang ako 'yon! Picture ko 'yon na nakaupo sa bangka at nakatingin sa malayo, nililipad ang buhok at nakangiti. He posted that on his IG story!
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "What?"
"You posted a picture of me," Tinaasan ko siya ng kilay. "Without my permission."
"Are you mad? Hindi mo nagustuhan?" Kumunot ang noo niya. "Magpost ka rin ng picture ko para fair."
Hindi na ako kumibo. Nakangiti lang ako habang kumakain kami. Sino bang hindi kikiligin doon! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Ang daming followers ni Clarke, tapos- ahh! I want to slap myself!
"Why are you biting your lower lip?" Tanong ni Clarke. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Are you done eating?"
Umiling ako. "I'm not done yet,"
Tumango siya at bumalik na sa upuan niya. Unti lang ang kinain niya. Balak ko sanang ubusin 'yong tira niyang pagkain dahil sayang naman, kaso busog na ako, e. Pagkatapos namin kumain, nag-ikot pa kami. Ako na ang humawak sa kamay niya habang naglalakad and he intertwined our hands together. Kinikilig ako kaya hindi matanggal ang ngiti sa labi ko.
"I love this kind of place," I said while closing my eyes. Nakatayo na kami ngayon sa puting buhangin. Alam kong nakatingin lang sa akin si Clarke habang nakapikit ako. Iniharang niya ang braso niya sa araw para hindi ako masilaw. "Why are you looking at me?" Nagmulat ako ng mata.
"Nothing," Nag-iwas siya ng tingin. "Let's go back there. Mainit na rito." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na ulit kami pabalik.
YOU ARE READING
Love me till the end
Fanfiction"If fate leads us together, we'll meet again in the future" Status: Ongoing