9

11 2 0
                                    

"We call this place a paradise of secrets."

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Ang daming naiwan na ala-ala rito. Walang nag-bago. The big tree and bench were still there. The beautiful scenery is still there. I closed my eyes and sat on the bench. I held Clarke's hand.


"What's the story behind the name of this place?" Tanong niya at umupo sa tabi ko, hindi tinanggal ang kamay naming magkahawak.



"Ang lambot ng kamay mo, 'no? Parang kamay ng babae. " Mahina akong tumawa at pinasadahan ng tingin ang kamay naming magkahawak. "Parang ayoko nang bitawan."


"Don't let go, then," He said and held my hand tightly. "I love that your hand fits perfectly with mine." Dagdag pa niya.


We both smiled and continued what we had been talking about earlier. Sinabi ko sa kaniya kung bakit 'Paradise of secrets' ang pangalan ng lugar na ito. Clarke is a good listener. Nakatingin lang siya sa akin habang nagkukwento ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nagsasalita.


"Tinawag namin itong 'paradise of secrets' dahil dito namin sinasabi lahat ng secrets namin noon. Dito ako dinala ni Chloe no'ng una kaming naging magkaibigan. Tapos 'yon, dumating si Aria at naging kaibigan din namin." Tumayo ako at lumapit sa puno sa likod ng bench na inuupuan namin. "We wrote our name on this tree and what we want to be when we grow up."



I'm Chloe Suzzette, and I want to be an architect in the future.

-Architect Heredia.

I am Ariana, and my friends call me Aria. And I also want to be an architect.

-Architect Gordillo.


Clarke stood up and read mine. Hindi na gaanong kita ang sulat dahil matagal na rin 'yon, napag lipasan na ng panahon. Pero ginawa niya pa rin ang best niya para mabasa ang sinulat ko roon sa puno.



"I am Callie Del Vera, 14 years old. I want to be an architect. Architect Del Vera." Pagbabasa niya. Napangiti ako nang dagdagan niya ng emosyon ang boses niya habang binabasa 'yon. "Architect Del Vera." He looked at me. "Hi, Architect Del Vera."




I laughed. "Stop it, Clarke! Kinikilig ako." I slapped him lightly on the arm. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at bumalik na kami sa bench na inuupuan namin kanina. "Lagi kami pumupunta rito sa tuwing may gustong sabihin ang isa sa amin." Panimula ko. "Dito namin nilalabas lahat ng problema namin. Lahat ng secrets. Naging saksi ang lugar na ito sa pagkakaibigan namin... Ang hirap Bitawan."


"Hindi na ba kayo nagpupunta rito?"



"Ang tagal na rin noong huli naming punta rito. Siguro kung pupunta ulit kaming tatlo rito, ang daming kong malalaman na secrets nilang dalawa na hindi nila sinabi sa akin noon at tinatago pa rin nila hanggang ngayon. Ganoon din sila sa akin. Our friendship has come a long way. We are not the same as before." The friendship is still there, pero marami nang nag-bago.




Tumayo ulit ako at kinuha 'yong bote sa tabi ng puno. Nilinis ko muna 'yon using my handkerchief bago inabot kay Clarke. Tiningnan niya ito at nagtatakang tumingin sa akin.


"What is this?"

"Open it," may galak na usal ko.


He slowly opened the bottle. Kumuha siya ng isang pirasong papel doon at binuklat ito.


"Massage in a bottle?" Tanong niya.


"Oo, basahin mo," utos ko at hinayaan siyang basahin ang nakasulat doon.


Love me till the endWhere stories live. Discover now