7

13 1 0
                                    

"Who was your first kiss?"

Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. I stared at him until he turned to me. He gave me a serious look.

"My ex -girlfriend," direktang sagot niya.

Ouch! Sakit naman no'n. Who's that lucky girl? Ilan na kaya naging ex niya?

Napabalikwas ako nang marinig  namin ang doorbell. Napatingin din siya sa pinto na parang hindi niya inaasahang may bisita.




"Hala, sino 'yon?" Nagpapanic na sabi ko.

He shrugged. "I don't know." Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto.

"Hey, CJ! Kanina ka pa hindi sumasagot sa tawag ko! Ano bang ginagawa mo?" Rinig ko mula rito ang boses ng isang babae.

"What are you doing here?" Nakatayo si Clarke sa pintuan at hindi pa rin binubuksan nang tuluyan ang pinto.

"Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko, e!"

"Hey, wait-"

Nabitawan ko ang hawak kong remote nang biglang lumitaw sa harap ko ang isang matangkad na babae. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya nang makita ako. Napakagat sa labi niya si Clarke at sumandal na lang doon sa pader, umiwas ng tingin sa akin.


"Oh my god! Hindi ko alam-" Lumingon 'yong babae kay Clarke.

Mas lalo akong nagulat nang may pumasok pang dalawa. Si Kael 'tsaka 'yong lalaking hindi ko kilala na lagi rin kasama ni Clarke! Bumalik ako sa pagkakaupo ko at umayos. Hindi ko alam ang gagawin ko! I don’t even know how to get along with them.



"Yooo! Natanggap mo naman ang text ko, 'di ba- What the heck, dude?!" Napaatras kaagad si Kael nang makita ako, sabay lingon kay Clarke. "Damn, Dude! Sa ating tatlo, ikaw ang hindi mahilig magdala ng babae sa condo."


Tinaasan lang siya ng kilay ni Clarke at umiling na parang naiinis sa mga kaibigan niya.

"Tss! Nakapunta na rin ako nang ilang beses dito, 'no!" Singit no'ng babae, padabog na umupo sa kabilang sofa. "Honesty, who is she?" Tanong niya kay Clarke, hindi man lang hininaan ang boses.



"Her name is Callie," sagot ni Clarke.


"Oh, kasing ganda mo ang pangalan mo," pambobola naman no'ng isang pang kaibigan ni Clarke. Ano ngang pangalan niya? Halatang bolero na hindi dapat seryosohin. "I'm Lucas," pakilala niya at naglahad ng palad sa tapat ko.


Aabutin ko na sana iyon nang biglang humarang si Clarke sa gitna at galit na kinuha ang palad ng kaibigan niya. Hinagis niya ito sa hangin at humarap sa akin.

"Don't talk to him, he's an asshole," seryosong untag ni Clarke.


"Okay, so? Are we going to leave na? You weren't replying to the texts kasi so we didn't know you have company?" Maarteng sabi no'ng babae.


Hindi ko siya kilala. Bagong babae ni Clarke? Hindi siya si Margaux. Mas matangkad siya kumpara sa akin. May manipis na baywang at maliit na mukha. Maganda at paniguradong pasok sa standard ni Clarke. Tss! Nagseselos ba ako?




"Hind na! Ako na aalis" Singit ko at tumayo para ligpitin ang mga gamit ko.


"No," agap ni Clarke.

Napatigil kaming lahat nang magsalita siya. He stared at me for a moment like he was trying to communicate with me.


"No, i'ts okay. Uuwi na 'ko," sambit ko at kinuha na ang mga gamit ko.


Love me till the endWhere stories live. Discover now