"Sigurado ba kayo na pupuntahan natin siya? Parang ang layo naman."
Napatingin ako sa dinadaanan namin. Kanina pa kami nasa kalsada pero hindi pa rin kami nakakarating sa lugar na tinutukoy ni Aria. Ang layo naman! Paano nag-tagpo ang landas nila kung ganito kalayo ang lugar ng lalaki'ng 'yon?
"Malapit na tayo," Ani Aria.
"Umabot dito kalandian mo? Ang layo, ah," Sumandal ako sa bintana ng sasakyan at kinuha ang phone ko sa bulsa ko. Nag-type ako ng message para kay Clarke.
Calliedelvera: What's up? Miss mo na ba ako?
Napangiti ako nang magreply siya kagaad.
CJSalvacion: Maybe.
Maybe lang? Pch, samantalang ako miss ko na siya. Walang maybe o pag-aalinlangan! Masyado siyang playing safe sa nararamdaman niya, ah! Ayaw niya pa kasing aminin na hindi niya lang ako gusto, in love siya sa akin! Ang dali lang no'n, pre! Bakit hirap na hirap siya? Ako lang 'to.
Calliedelvera: Ako hindi kita namiss
Ganti ng isang Api!
CJSalvacion: What are you doing now?
Wtf!
Calliedelvera: Hindi mo ba talaga ako namiss?!
CJSalvacion: Tss I knew it. Of course, I miss you.
Calliedelvera: Ako lang 'to, Clarke, don't get too obsessed with me
I chuckled. Naiimagine ko ang itsura niya ngayon; nakakunot ang noo habang binabasa ang text ko.
CJSalvacion: Lol
Magrereply palang sana ako nang tawagin ako ni Chloe. Kanina pa pala huminto ang sasakyan at nakababa na ang dalawa. Kinuha ko ang gamit ko at bumaba na rin ng sasakyan.
"Anong ginagawa natin dito sa beach?" Kumunot ang noo ko nang ilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
"He's here. Let's go," Pinangunahan na ni Aria ang paglalakad papasok sa isang hotel habang nakasunod lang kami ni Chloe sa kaniya.
Silang dalawa na ang kumausap sa receptionist. Ako naman ay parang bata na iginagala ang paningin sa buong hotel. Ang ganda ng hotel na 'to, ah. Ang expensive ng aura.
"Nandito ba siya ngayon?" Rinig kong tanong ni Chloe sa babae'ng kausap nila.
"Yes, Ma'am. Siguro po mas magandang mag-hintay na lang kayo na bumaba siya." Anang babae'ng receptionist.
Anong klaseng awat kaya ang gagawin ko? Mukhang handa nang sumugod sa matinding laban itong dalawang kasama ko. Taga awat lang ang eksena ko rito.
"Usap lang, ah," paalala ko sa dalawa. "Nakakahiya naman kung gagawa tayo ng eksena rito."
"Matatapos kaagad ang usapan kung madali lang kausap ang isang 'yun." Si Chloe.
"Paano kung ayaw niyang maniwala na anak niya ang dinadala mo?" Tanong ko kay Aria. "Anong gagawin natin?"
"We will cut off his penis. Ang gago niya." Sabi ni Chloe, walang pag-aalinlangan.
Eww, kadiri naman no'n. P'wedeng sila na lang ang gumawa? Ayokong magkasala, 'no.
"Paano kung-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Clarke! Lumayo muna ako sa dalawa bago sinagot ang tawag.
YOU ARE READING
Love me till the end
Fanfiction"If fate leads us together, we'll meet again in the future" Status: Ongoing