6

17 1 0
                                    

"Oh, bakit umiiyak ang isang 'yan?"

Inilapag ko ang dala kong libro at umupo sa tabi ni Chloe. Walang sumagot sa tanong ko kaya kinalabit ko ang umiiyak na si Ariana. Nag-angat ito ng tingin sa akin at nakuha pa akong tarayan.

"What?" Bakas ang katarayan sa tono niya.

"Problema? Naubusan ka ng lalaki?" Pabirong tanong ko, lalong sumama ang timpla ng mukha niya. "Biro lang. Bakit ka ba umiiyak?"

"That bastard! Grr! He’s an asshole!" Nagdabog ito at lalong nilakasan ang pag-iyak na parang bata. "Pinaasa niya ako!"

"Sino?"

"'Yong ka fling niya. Tumigil ka na nga! Ngayon lang 'yan, malandi ka na ulit mamaya." Biglang singit ni Chloe at nakipagpalitan ng masamang tingin kay Aria.

"O, inlove ka?" Kunot noong tanong ko. "Nainlove ka sa ka-fling mo?"

"Hindi! Naiinis lang ako kasi...kasi ginamit niya lang ako."

"Ginamit saan?" Si Chloe. "Hoy, gaga, Ilugar mo 'yang katangahan mo, ah!"

"N-nadala lang ako. Lasing ako. H-hindi ko rin naman ginusto ang nangyari," Yumuko ito. "C-callie, Aria, may nangyari sa amin ng lalaking 'yon."

"What the heck?! Akala ko ba may limitasyon 'yang kalandian mo? What happened? Are you pregnant?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Chloe. Nanatiling nakayuko si Aria habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Of course not, right?" Peke akong tumawa para mawala ang tensyon sa pagitan nina Chloe at Ariana. "Aria, are you?"

Pareho kaming nagulat ni Chloe nang umaktong masusuka si Aria. Tumayo ito at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nagkatinginan pa kami ni Chloe bago sumunod kay Aria. Pumasok kami sa washroom at naabutan namin ang nagsusukang si Aria sa sink.

Lumapit ako sa kaniya at inabutan siya ng panyo. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon kaya niyakap ko siya at inalo.

"Ariana..." hindi alam ni Chloe ang sasabihin niya pero alam ko na ang iniisip niya dahil iyon din ang unang pumasok sa isip ko.

Umiling si Aria at kumalas na ng yakap sa akin. Nag-hilamos siya ng mukha sa sink at nagmumog. After she washed up she turned to us and tried to smile again.

"I'm okay," Sinubukan niyang ngumiti pero bakas pa rin takot sa mga mata niya.

"You need to go to your OB." Lumapit si Chloe sa amin at hinawakan ang kamay ni Aria.

"I'm not pregnant, Chloe," matigas na turan ng isa kong kaibigan.

"Ariana." Chloe massaged her head. "If you’re not pregnant, okay. You should visit your OB to be sure. That's not normal anymore."


"Wait, I'll call Ashton," singit ko at lumabas muna ng washroom para tawagan si Ashton.

[What?] Sinagot niya naman kaagad ang tawag ko.

"Are you busy?"

[Hindi naman. Why?]

"Can I ask you a favor? P'wede ka bang pumunta rito sa washroom, sa baba ng building namin."

[Give me two minutes.] Aniya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.

Huminga ako nang malalim at hinintay si Ashton. Sana nga hindi totoo 'yon. Natatakot ako para kay Aria. Her parents would surely be disappointed if Chloe's suspicion was true. Hindi ganoon kadaling kalaban ang patents ni Aria. They are powerful people. Her mother and father were both politicians.

Love me till the endWhere stories live. Discover now