2

21 2 0
                                    

"How's your grades, Callie?" Daddy asked as I entered the house.

Isa ito sa dahilan kung bakit madalas lang akong umuwi rito sa bahay. He always asks about my grades. Parang walang siyang pakialam sa akin. Imbes na kumustahin niya ako, mas inuuna niya pang itanong ang tungkol sa grades ko! Hindi niya manlang magawang itanong kung kumusta na ako! What kind of dad is he? The heck!

"Good," Maikling sagot ko.

"Good? What kind of answer is that? Can I see your grades, Callie?" He asked again while eating breakfast

I brought my phone out and silently slid it over the table until it reached him. He looked at my grades with his brows furrowed. I knew I did well. My grades were no less than B.

"You are no longer young for these kinds of grades, Callie. Why are they so low. Your course is easy, isn't it?" Galit na ibinalik ni Daddy ang phone ko.

"A is the highest, Dad." I tried to explain.

Nakakainis! Hindi ko naman kailangang magpaliwanag pa sa kaniya , e! I know myself better. Kung hindi siya kuntento sa grades na 'yon, ako kuntento na.

"Why do you have a B? That's not very high. You should aim for straight As. You're taking Architecture for heaven's sake. Don't act like it's so hard." He continued. "Don't disappoint us, Callie."

Architecture is still hard. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako ganoon katalino para kunin 'yong course na gusto nila para sa akin.

"I'm sorry, Dad," I whispered. "I'll do better next time...promise."

"Hindi ko kailangan ng Sorry mo. You should not just do 'better'. You should be the best." Seryosong sabi ni Daddy.

I nodded and tried to hold back my tears. Kahit anong gawin ko hindi naman sila magiging proud sa akin. Kahit gaano kataas ang makuha kong grades. Kahit gaano kadami ang awards na matanggap ko, sa isang pagkakamali lang, 'yon na ang tatatak sa isip nila.

"Have you eaten breakfast, honey?" Mommy asked and gave me a sweet smile.

I smiled back and sat in the vacant seat. Hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan. I don’t want to put myself in the awkward moment, pero hindi naman ako p'wede umalis nang hindi pa tapos kumain si Mommy at Daddy.

Huminga ako nang malalim at napilitan na lang kumain kahit tapos na akong kumain kanina sa condo ni Chloe. Hindi ko sinabi kina Aria at Chloe 'yong tungkol sa nangyari. Hindi nila p'wedeng malaman dahil malamang magsusumbong lang ang mga 'yon sa parents ko. I'll just keep it to myself. Wala namang masamang nangyari kaya walang dapat ikabahala.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kuwarto ko para tapusin 'yong plates ko na hindi ko pa natatapos hanggang ngayon.

Hindi pa rin naalis sa isip ko 'yong mga sinabi ni dad kanina. I drank a glass of water and sighed heavily, holding it tightly that my hands started to shake. I had the urge to throw it away but I gently placed it back on the side table instead. Kinuha ko na lang 'yong laptop ko at nag-open ng Instagram. Gustong kong mag-rant sa social media...pero naalala kong finallow ko pala si Clarke sa Instagram.

Wala siyang gaanong post. Last month pa noong huling siyang nag-post, 'yong picture na nakasakay siya sa yacht. He had a lot of followers, ngunit unti lang 'yong finafollow niya. Sa sampung finallow niya, hindi pa ako kabilang do'n dahil hindi niya pa ako finafollow back.

Binasa ko ang mga comment sa last post niya. Maraming ibang lahi ang nag-comment sa post niya, 'yong iba ay mga model. Sabagay, sobrang g'wapo ni Clarke sa post na 'yon. He was topless and wearing sunglasses while holding a glass of wine. Nakangiti siya sa camera habang nililipad ng hangin ang kaniyang buhok. He was hot in that post.

Love me till the endWhere stories live. Discover now