"May klase pa kami," Ani Clarke. "Our last class will end at 5PM."
"Hindi ba kayo kasali sa event?" Tanong ko.
"Hindi. I'll just text you later. We need to go." Aniya at sumunod na sa kaibigan niya palabas ng cafeteria.
Bumagsak ang balikat ko dahil sa pagkadismaya. I thought he would stay. Hindi man lang siya nag-paalam sa akin nang maayos. Sana kasi minessage niya ako kanina para hindi na ako nagpunta rito.
'I'll just text you later' tss! Drawing! Paasa!
"Oh, bakit ka nakasimangot diyan? Gutom ka na ba?" Tanong bigla ni Chloe at nilapag ang in-order niyang pagkain sa table. "Ang haba ng pila kaya natagalan ako."
"Nakakainis!"
"Why? May problema ba? Nakita mo na ba ang crush mo?" Sunud-sunod na tanong niya habang kumakain ng... ano ba 'yon? Hindi ko alam kung ano ba ang mga in-order niya, pero dahil sa gutom ko kumain na lang din ako.
"Oo! At alam mo ang nakakainis, hindi man lang niya ako kinausap nang maayos! Hindi man lang siya nag 'Hi, Callie', wala! Nakakainis, 'di ba?" Bulalas ko at galit na nginuya 'yong tinapay na sinubo ko. "Pumunta ako rito para makausap siya, tapos no'ng nagkita kami, hindi niya man lang sinagot ang mga tanong ko!"
"Ang OA mo naman. P'wedeng chill lang? Ang daming nakatingin sa 'yo, oh. Wala ka sa lugar mo, Callie. At isa pa, hindi ka naman niya girlfriend para pagtuunan niya ng pansinin, hindi ba?" Maya maya pa'y aniya. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. "Limitations are important, mukhang nakalimutan mo."
"I'm not asking for his attention."
"E, why are you here?"
Binaba ko ang tingin ko sa kinakain ko at hindi nagsalita. I don't know why I'm here. Do I look desperate? Happy crush lang naman 'to, e. Wala namang masama kung gusto mong makita ang crush mo, hindi ba? Gano'n din naman siya sa crush niya, e.
"Hi, pwede ba akong maki-upo?" Napa-angat kami ng tingin ni Chloe dahil sa babaeng nag-salita. "Wala na kasing bakanteng upuan, e."
"Sure." Si Chloe na ang sumagot. Lumipat siya sa tabi ko at binigay sa babae 'yong upuan niya kanina.
"Hmm, saan kayo nag-aaral? Iba kasi ang uniform niyo, e." Tanong no'ng babae.
"Sa MSEUF." Si Chloe.
"Ah, Wildcats kayo." Tumango ito at hindi na muling dinuktungan ang sinabi.
Ang daming magagandang babae rito, pero bakit wala pa ring jowa si Clarke? Ano kaya ang standard niya?
I think he is the type of man with a perfect standard when it comes to women. Hindi ko yata kayang tapatan 'yon."Law ang course mo?" Tanong bigla ni Chloe sa babae. Bakit ba ang daldal ng isang 'to. Close ba sila?
Nahihiyang tumango ang babae. "Yeah."
"Mahirap-"
"Shh, ang daldal mo." Suway ko kay Chloe. "Close ba kayo?"
"Nagtatanong lang naman. Alam mo namang Law ang First course I chose."
Oo nga pala, Law ang unang course ni Chloe, pero hindi niya tinuloy dahil hindi raw siya para roon. She doesn't see her future in that course.
Pagkatapos naming ubusin ang pagkain namin, umalis na kami. Pumunta kami sa gymnasium para manood ng basketball, pero hindi rin namin natapos dahil ang daming tao, hindi kami makasingit. Nakakapagod maglakad kaya naisipan muna naming umupo sa isang bench, sa ilalim ng puno ng Red fir.
YOU ARE READING
Love me till the end
Fanfiction"If fate leads us together, we'll meet again in the future" Status: Ongoing