Chapter 15-Concern

58 13 0
                                    

Kat POV:

Hating-gabi na pero di parin ako makatulog. Natapos ko na lahat ng dapat gawin bukas tska ginawan ko na si Joseph ng project na pinasa ko kanina. 30 mins. lang ang ginugol ko para matapos yaon, bakit ba kasi ang tamad niya?? Anong oras na kaya?? Kanina pa ako pabaliktad-baliktad dito sa higaan ko. Hindi ako komportable kahit malamig ang simoy ng hangin at malambot ang kama. Mukhang uulan ata ngayon, kanina kasi ang init tapos ngayon ang lamig.

(A/N: Basi lang yan kay Author wag kayong maniwala jan, gawa gawa lang yan ng imahinasyon ko ko Lol*)

Siguro naninibago lang ako kaya naisipan kung buksan ang bintana at pinanuod ang mga magaganda't naglalakihang mga gusali sa labas at ang mga bituin sa itaas.

Alas 12:08 na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Siguro sa mga lilipas na araw ay masasanay na din ako. Kaninang alas 9 ko pa naisipang matulog pero hanggang ngayon dilat na dilat pa rin ang mata ko. Umabot pa talaga ng mga 30 mins bago ako dinalaw ng antok.

Hindi na ako nag abalang isarado ang bintana dahil masarap matulog lalo na malamig ang simoy ng hangin. Sana maraming magandang mangyari bukas katulad ng kanina. Maya maya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Zzzzzzzzzzz!!

Joseph POV:

Nagising ako ng mga alas 2:00 ng madaling araw ng maramdaman ko ang malakas na buhos ng ulan. Baka may bagyo bukas o kaya ngayon na.

Magdidiwang na sana ako ng maalala ko si Katrina kaya agad akong nagtungo sa kwarto niya sa may guestroom. Hindi naman masyadong malaki ang bahay ko dahil akin lang talaga to , mga 7 room ata meron ito.


Kinuha ko ang spare key sa may kitchen at che check up in ko lang kung maayos lang ba siya. Pagtungo ko doon agad kung binuksan ang pinto, hindi na pala kailangan ang spare key dahil bukas naman ang pinto, ito talagang babaeng to sobrang kampante di niya ba inisip na baka halayin ko siya?? Hahah joke lang!

Pagkabukas ko ng pinto nakita kung nanginginig si Kat ng sobra at kitang kita na ang dahilan ay ang bukas niyang bintana. Pumasok na ako ng tuluyan at sinirado ang nakabukas na bintana.

Tinungo ko ang isang sulok at pinatay ang aircon,, pinaandar ko nalang ang heater. Bago ako lumabas ay sinigurado ko na maayos na siya at hinalikan sa noo. Pagkatapos nun ay tuluyan ko ng nilisan ang kwarto niya at pumasok na sa sariling silid.

Mga alas 4 na ng muli akong natulog.  Bago ako natulig nagflashback sa isip ko ang ngiti niya noong nerd pa siya at ang mukha niya kanina. Bakit nalungkot ako ng makita na nasa ganun siya kalagayan. Hindi! Hindi! Concern lang ako. Teka bakit ba ako macoconcern sa kanya? Ano ba ang nangyayari sa akin??

A/N: Sorry maikli na naman ang update, balak ko sanang pahabain kaso mas masaya pala kapag paunti unti lang mukha tuloy mahaba ang story. Nasimulan ng maikli eh kaya pagtyagaan niyo nalang. Hindi daw maganda ang story kong ito sabi ng pinsan ko ayos lang hindi pa maganda dahil hindi pa siya thrilling. Malapit na po ang pinakakahintay natin. Alamin nalang natin sa mga susunod ko pang update kung ano ang magbabago.

Love you all,

--naughtyme25

Fake Couple Turn into A Real OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon