Kat POV:
Kinaumagahan. Nagising ako sa tunog ng aking cp.
Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang banyo. Medyo kulang ang tulog ko.
Mga 20 mins. din akong naligo. Tapos nagbihis na ako. Habang nagsusuklay na ako naalala ko si Joseph 2 days din na di ko siya nakita, except the fact na lagi kaming nagkikita dahil sa 2 weeks punishment, eh wala kaming contact for almost 2 days.
Ako kaya naiisip niya?? Pagkatapos kong magsuklay inayos ko na gamit ko. Doon nalang ako kakain sa school.
Hmmm minsan naman di na ako kumakain except na yung mahirap at tamad ako minsan, medyo tumataba na rin ako. Pagkalabas ko ng bahay na inuupahan ko ng mapansin ko yung magarang sasakyan. Di ko na lang pinansin. Then nagsimula na din akong maglakad ng biglang may taong humigit ng braso ko medyo malakas din yon.
"Ano ba ang problema mo? " Habang hinihimas ko ang braso ko.
"Kanina pa kita tinatawagan di mo man lang sinagot. " sabi niya "tapos di mo man lang ako napansin. " dugtong niya.
" Sino ka ba ha? " hindi parin ako tumitingin., medyo masakit parin ang braso ko, dagdag mo pa na antok na antok pa ako. Off pala cp ko. Ayaw ko malowbat di naman ako mahilig magdala ng charger. Tinawagan daw niya ako?? Eh di naman pamilyar ang boses.
Siya: "Talaga di mo kilala?? "
Agad namang tumingin ang dalaga. Laking gulat pa niya ng malaman na si Joseph pala ang lalake.
Ako: "Sorry, di kasi tinitingnan tska iba boses mo. "
Siya: " Paos kasi ako. Ok lang. Halika na, malalate na tayo. Almost an hour na din akong naghihintay. "
Medyo naawa ako sa kanya, hinintay niya pa ako tapos inoff ko pa cp ko. Nakakahiya at the same time nakakakilig. Ikaw kaya hintayin ng crush mo?? Nawala bigla ang pagka antok ko. Lalo pa ng binagbuksan nya ako ng pinto. Nang blush tuloy ako.
Siya: Bakit ang pula mo?? Malamang kinikilig ako.
Siya: May sakit ka ba??
Umiling lang ako.
Siya: Then kinikilig ka?
Ang sumunod ay kusa na lang lumabas sa bibig ko.
"Oo ang sweet mo kasi eh. Crush pa kita" Agad kong tinakpan ang bibig ko ng maintindihan ang sinabi ko.
Si Joseph tawa lang ng tawa. Nakakahiya.
Joseph : Hahhahahhahahhhaha ang tapang non ha, ano nakain mo?? Inamin talaga hahhahaha!!
Ako: "Magtigil ka nga"
Tawa parin siya ng tawa.Di ko na nakaya kaya ayon lumabas na ako. Maglalakad nalang ako. Nakakahiya talaga. Hmmmp, bahala na nga. Nang bigla na namang may humigit sa braso ko at sa sobrang lakas nga naman ay napayakap ako este niyakap pala ako.
"Sorry " sabi niya.
"K." tanging sagot ko, then magsisimula na ulit akong maglakad ng iniba niya ang direksyon at hinawakan ang kamay ko. Kamay talaga??
Joseph :"Sakay" Sabay bukas ng pinto ng sasakyan.
Ako: "Hindi maglalakad na lang ako. " pagtutol ko pero huli na dahil naitulak na niya ako sa labas este sa loob pala. Pakiramdam ko kasi nasa oven ako sa sobrang init ng pisngi ko. Pero hindi nalang ako umimik.Labas na nahihiya at naiinis ako, ay kinikilig ako. Baliktarin nalang natin dahil imbis na sumigaw ay tatahimik na lang ako. Baka asarin na naman niya ako tapos pag nainis ako lalabas ako tapos gagawa siya ng bagay na kikiligin ako. Aiiisssh!!! Maka idlip nga ulit.
A/N: Hi na pose ko na ang story kong dream guy hope babasahin niyo rin yon. Pero di ko yon laging i uupdate dahil tatapusin muna ko ito bago yon. Pero mag uupdate rin ako don di nga lang araw-araw. Sorry di ako naka update kagabi pagod eh tska kagabi ko pa pinose yung isa kong story. Hope po magustuhan niyo. Paki vote na lang tska mag comment naman kayo pag may time. Thank you po.