Cinder POV:
Para akong ninja habang sinusundan ang secret couple este ang beloved kong si Joseph with the very ugly duckling na si Nerd, medyo nasa malayo din ako baka isipin pa ni Nerd na stalker niya ako eh si Joseph lang naman ang ini-istalk ko.
Nakita ko na pumunta si Nerd sa counter at nag take out. Teka nag-take-out?? Tska nag walk-out?? Tapos hinabol na ni Joseph. L.Q. pala ang show. Kinukubit siya ni Joseph ngunit di niya ito pinansin.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at ang sumunod ay ang biglang pagtulo ng luha ko.
Nakita ko na niyakap ni Joseph si Nerd. Tapos nag-usap sila habang magkayakap.
Ang sumunod ay umalis na ako pagkat ang mga luha ko ay parang gripo o ulan na ayaw tumigil sa pag-agos. Ang sakit naman non.
Nasanay kasi ako na lahat ng gusto ko nakukuha ko ng walang kahirap-hirap. Lumaki kasi ako na may gintong-kutsara mula sa bibig ko. Umiiyak na naman ako. Naalala ko na ang huli kong pag-iyak ay yung pagkamatay ni Daddy 2 years ago.
Pangako ko sa sarili ko na makukuha ko ang gusto ko. Gusto ko si Joseph, mahal na nga siguro. Akin lang siya. Akin lang!!
A/N: Hi ipopose ko sa sabado ang isa kong ginawang story. Hope magustuhan niyo po yon para sa karagdagang kaalaman ifollow nyo po ako. Thank you po!! Isearch niyo nalang sa Sabado ang storing may title na "Dream Guy"