Chapter 9

14 0 0
                                    

I’m starting to think one day

I’d tell the story of us

How I was losing my mind when I saw you here

But you held your pride like you should’ve held me

 

 

Tapos na ang Christmas break. Balik na naman ang lahat sa normal. Pero kami ni Nicole hindi pa rin bumabalik sa normal. Habang tumatagal lalo niya akong iniiwasan. Feeling ko na-brain wash na siya ng Alex na ‘yun. Ayoko na sanang makarating to kila Mama at Tita Alison pero sa tingin ko, mapapansin at mapapansin nila yun dahil hindi na nga kami laging magkasama. Hindi na ko nakakapunta sa kanila at ganun din siya sa amin. Hindi na lang ako nasama every Sunday sa foundation center para hindi kami magkasama. Nagdadahilan na lang ako na busy at naghahabol ng requirement sa school.

“Sabi sakin ng pinsan ko madami na daw ginagawa sa Grade 8. Kaya nga nagpapaturo na ko agad sa kaniya e, para pag tayo na, alam ko na.”

Nagsasalita si Charice habang nakangiti sakin. Hindi ko alam kung pano niya nagagawa yun. Pero sana si Nicole yung kumakausap at ngumingiti sakin ngayon. Baka sakaling mapangiti din ako.

“Hoy!” Sigaw ni Cha sabay hampas sa balikat ko.

“Oh?” Napabalikwas naman ako. “Bakit ba?”

“Anong bakit ba, e kanina pa ko kwento ng kwento hindi ka naman nakikinig sakin.”

Na-guilty naman ako. Siya na nga lang itong nagtya-tyagang kumausap at sumama sakin tapos ganito pa ‘ko sa kanya.

“Alam ko na,”

Bigla siyang tumayo at hinigit ang kamay ko. Nagsimula na siyang maglakad habang hinihigit ako.

“San ba tayo pupunta?”

Hindi siya sumagot.

Broken Hearted Center? Anong klaseng lugar ‘to? Legit ba ‘to? Baka naman bogus to!”

 Dere-deretso kong tanong kay Charice. Sobrang weird kase ng lugar na ‘to.

“Manahimik ka na nga lang! Oh,”

May inabot siya saking ballpen at itinuro ang log book sa unahan ko. Sinagutan ko naman ang mga tanong na nakalagay doon.

Good afternoon sir,”

Bati sakin ng isang payat at blonde na babae. May accent ang English niya. Halatang foreigner. Tinanguan ko siya bilang sagot sa pagbati niya sakin.

“This way please,”

Sinundan namin ni Charice ang babaeng blonde, mukhang madalas dito si Cha dahil maraming bumabati sa kanya habang naglalakad kami. Tumigil kami sa ikalawang palapag, sa tapat ng isang kwarto na may nakalagay na 202 sa gitna ng pinto.

“Thank you,”

Sabi ni Cha sa babae at umalis na ito. Kumatok ng bahagya si Charice at binuksan na ang pinto. Nakatingin na sa aming lahat ang mga naroon. Karamihan babae. Lumapit kami sa dulong higaan. Parang dorm type to kaya marami-raming kama sa kwartong ito.

“Kamusta po?”

Tanong ni Cha sa babaeng marahil nasa 50s niya na. Tumingin lamang sa amin ito at ngumiti saglit at tumingin ulit sa bintana na parang may binabantayan sa labas.

“Sino siya, Cha?”

Pagtatanong ko sa kaniya. Umupo lamang siya sa paanan ng kama at hinarap ako.

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon