~1~
A/N: Hi! E-epal muna ako. Im doing an experiment in these story. I will try my best na maging panlalake yung POV kase si Sky talaga yung bida dito. Hahaha. Hopefully magawa ko yung binabalak ko.
Soooo, read and enjoy! Vote na din po kung mabait kayo ^_^V
**
I used to think one day i'd tell the story of us
how we met and the sparks flew instantly
people would say their the lucky ones. ♪♪Natapos ang buong maghapon namin sa foundation. Halos padilim na ng makauwi kami.
Si Nicole? Ayun, tulog na tulog. =___=
Binuhat naman siya nung driver nila tapos nagpaalam na ko kay Tita Alison."Tita uwi na po ako ha, salamat po."
"Pahatid na kita hijo."
"No need tita, thanks po." sabi ko, then naglakad na ko palabas ng bahay nila. Medyo malayo din yung gate ha.
Dumaan muna ako sa isang lake. Yup, may lake dito. Dito kame lagi ni Nicole kapag hapon. Akala ko hindi kami aabutin ng dilim, sayang tuloy yung hinanda ko.
Balak ko pa namang umamin sa kaniya ngayon. Oo, aamin nga. Baka kasi maunahan pa ko. Kase naman may umaaligid na sa kaniya. Nakakaasar kasi yung mga kaklase namin, binubugaw kasi siya dun sa may crush sa kanya. Nakakabadtrip. =__=
At eto namang si Nicole, nag-eenjoy pa yata. Sabagay, sino ba namang hindi matutuwa kapag hindi lang ikaw ang kinikilig sa crush mo. Suportado ng buong tropa e. Ayos.
Nakarating ako sa bahay, dilim na. Buti na lang wala sila Mom at Dad. Nasan sila? Si Mom hands on sa pharmacy namin. Minsan naman one week siyang nasa bahay. Hindi ko alam kung workaholic ba siya o ano.
Si Dad naman, kasama lagi nung Dad ni Nicole. Nasa plantation sila ngayon."Sky kumain ka na.. Nakapaghain nako."
Sabi ni Ate Lorie. Kasambahay namin. Siya lang ang kasambahay namin dito at isang driver. Malaki yung bahay namin pero ayaw nila Mama at Papa na lumaki akong walang alam sa gawaing bahay. Iba na daw kase sa panahon ngayon. Gusto nila lumaki akong responsable at hindi palaasa. Naintindihan ko naman sila.
Natapos na akong kumain at tumulong akong magligpit sa kusina. Nanuod na lang ako ng tv, pampaantok.
"Sky kamusta ang lakad niyo kanina?"
"Ayos naman po Ate Lorie, ganun pa din. Natulong po ako dun, si Nicole naman nagpakwento na naman kay Lolo Jose."
"Bakit di ka din nagpapakwento?"
"Pambata lang yun Ate."
"Bata ka pa naman ah."
Umismid na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ko bata no. I'm matured enough for everything.
"Sus, ikaw talaga hijo. Osya, aakyat nako. Patayin mo na lang yang tv at mga ilaw kapag matutulog ka na."
Tumango lang ako. Napatingin ako sa cellphone ko. Nagtext yung kaibigan ni Nicole. Psh, halata namang may gusto sakin yun e. Eto namang si Nicole nilalakad pa siya sakin. Di niya ba nahahalata na siya yung gusto ko? Tsk.
Tinext ko si Nicole.
Hoy isip bata. Wag mo ngang ipamimigay number ko kung kani-kanino. Tsk. Sleeptight. Napagod ka siguro. Ikaw kase --"
Ayt. Ang gay naman. Delete-delete. I end up sending her a simple 'Good night'
~~
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Ayoko kasing nakikipag siksikan papasok sa class room. Madalas pagkakarating ko ng room namin, panglawa o pangatlo ako sa unang dumadating.
"Good morning, Sky!"
Masiglang bati sakin ni Bernie. Student assistant yan dito. Sa teacher's village yan nakatira. Scholar siya, kapalit nun, kailangan niyang maglinis sa school. At ang nakatoka sa kanya ay ang buong second floor ng building na 'to.
Tinanguan ko lang siya at pumasok na sa class room. Umupo na din ako sa silya ko na may pangalan ko pa sa sandalan. Bakit may pangalan? Hindi ko alam, itanong niyo sa adviser naming ubod ng arte.
Sumubsob na lang ako sa arm chair ng silya ko at hinintay na dumating ang teacher namin. Maya-maya pa, naririnig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Kaya naman napatunghay na ko. Nakakapagtaka lang yung mga kaklase kong babae. Araw-araw naman silang nagkikita pero bakit di sila nauubusan ng kwento. Tapos 'pag ngkikita sila after weekends akala mo kalahating taong hindi nagkita. O.A. maka-react pag nagkita na sila sa loob ng class room.
Mga babae nga naman. =___=
Makalipas ang ilang minuto, wala pa din si Nicole. Ano na namang katangahan ang pinapairal ng babaeng yun at wala pa rin siya dito?
"Good morning class! Get a sheet of paper. Number it 1 to 20."
Sigaw ng teacher namin habang naglalakad siya papasok at papunta sa table niya. Sunod-sunod naman ang sigawan ng mga kaklase ko ng 'Hala, bakit may quiz?" ; "Hindi ako nag-aral!" ; at kung ano-ano pa. Napapa-iling na lang ako.
"Number 1 ..
Nagumpisa na ang quiz pero wala pa din si Nicole. Hanggang sa matapos na kami at pinasa na lahat ng papel, wala pa ding Nicole na dumadating. Napalingon na lang ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Lumabas na 'ko ng class room at agad na tinawagan si Nicole. Agad naman niyang sinagot.
"Hello?"
Tanong niya. Na para bang nagtataka pa kung bakit ako tumawag sa kaniya.
"Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumasok sa first subject natin?"
"Shoot! Monday pala ngayon 'no? Nalintikan naaa! Bye-bye na Sky."
Napatingin na lang ako sa phone ko at napailing.
call ended

BINABASA MO ANG
The Story of Us (On-Going)
Short StoryWhen the love that all you've wanted is nothing but a tragedy. This story is based on a song of Taylor Swift, The Story of Us.