I use to know my place was a spot next to you
Now I'm searchin' a room for an empty seat
'Cause lately I don't even know what page you're on
Isang lingo na ang nakalipas, pero iniiwasan pa rin ako ni Nicole. Sobrang lala na ng pag-iwas niya sakin kase hindil lang ako yung nakakahalata.
"Bakit ba kanina ka pa nakatulala kay Nicole apo? Ba't 'di mo na lang lapitan?
Tanong sakin ni Lolo Jose sabay ngiti. Nahalata niya na pala. Linggo na naman kasi ngayon. Tapos na kaming kumain. Sa ngayon, nagke-kwentuhan na lang ang lahat.
"Wala po, Lolo"
Sabi ko, sabay ngiti sa kaniya.
"Gusto mo bang kwentuhan kita apo?"
Gusto ko sanang humindi, kaso, napaka walang galang ko naman kung tatanggihan ko kaya naman um-oo na lang ako.
"Alam mo bang ganyang-ganyan din ang pagtitig ko noon sa Lola Isay mo?"
"Lola Isay? Di ba po't si Lola Carmen ang asawa niyo?"
Tanong ko, nagbabakasakaling nagkamali lang siya ng banggit dahil sa katandaan. Pero ang imposible naman. Makakalimutan mo ba ang pangalan ng babaeng kasama mo buong buhay mo? Well, nauna nga lang si Lola Carmen sa kaniya.
"Oo nga hijo, pero sa lahat ng babaeng tiningnan ko, si Isay lang ang tiningnan ko gaya ng pagtingin mo kanina kay Nicole."
Napatahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya naman nanahimik na lang ako.
"Noong araw, si Isay talaga ang nobya ko. Para sa akin, siya lang ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko."
"E , bakit po si Lola Carmen ang nakatuluyan niyo."
Tanong ko na may halong pagtataka.
"Hijo, naniniwala ka ba sa soul mate?"
Napaisip ako. Naniniwala nga ba ako? Tumango ako unconsciously.
"E, sa destiny, naniniwala ka?"
"Opo." Sagot ko, kahit naguguluhan pa rin ako sa takbo ng usapan namin.
"Sa lagay ko, si Isay ang soul mate ko. Pero, si Carmen ang destiny ko."
"Ha?!"
Tumawa na lang si Lolo Jose sakin at tumayo upang maglakad-lakad. Pero ako, naiwan ako na nag-iisip pa din. Pwede ba yun? Soul mate mo pero di mo destiny? Ang gulo.
Natapos ang araw ng hindi niya talaga ako pinapansin. Kinakausap niya lahat ng tao, pwera lang sakin. As in, lahat. Pati yung driver, yung security guard. Yung gasoline boy sa gasoline station na tinigilan namin. Nakakainis na siya.
"Sa bahay na kayo mag-dinner." Yaya ni Mama kila Tita Alison.
Sana hindi pumayag sila Tita. Sana busy sila.
"Sige! That was great! Right, honey?"
Sigaw niya sabay tingin kay Nicole habang nakangiti. Si Nicole naman, ewan ko kung natutuwa siya o hindi, kase ako, hindi ako natutuwa.
Nakarating na kami sa bahay at kasalukuyan akong natulong sa kusina.
"Sky,"
Napalingon ako kay Ate Lorie at tinaas ang kilay ko.
"Chance mo na to." Sabi niya sabay hagikgik. Anong ibig niyang sabihin dun? O.o
"Ano pong chance?" Tanong ko. Kunwari nagmamaang-maangan.
"Asus! Kunwari ka pa, alam mo naman kung ano 'yong tinutukoy ko diba?" Tudyo niya sakin, kumindat pa at humagikgik na naman. Umiling na lang ako at dinala sa lamesa ang mga pagkain.
Naabutan kong nagtatawanan sila Mama at Tita Alison. Wala na naman si Papa tsaka yung Dad ni Nicole, kaya enjoy na enjoy sa kwentuhan sila Tita. Nilibot ko ang paningin ko pero wala si Nicole.
"A, Tita excuse po, nasaan po si Nicole?"
Napatigil sila sa kwentuhan at hinarap ako.
"Nasa taas, pakitawag na nga hijo, kakain na kamo tayo."
Tumango ako at umakyat na sa hagdan. Nasaan kaya iyon?
Tiningnan ko na lahat ng kwarto, (pati kwarto ko) na posibleng puntahan niya. Bababa na sanaa ko pero nadaanan ko yung music room namin. Naisip ko lang sumilip dun, pero nagulat ako sa nakita ko.
Nakaupo si Nicole sa harap ng grand piano naming at tumutugtog siya. Hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog ng piano. Ayoko sana siyang istorbohin kasi ang sarap pakinggan ng tinutugtog niya pero bigla na lang may lumabas sa bibig ko.
"K-kakain na tayo." Saad ko sabay lakad na pababa sa kusina.
Natapos ang hapunan ng wala kaming imikan ni Nicole. Si Tita Alison at si Mama lang ang nag-uusap. Paminsan-minsan ay sinasali nila kami sa usapan ni Nicole ngunit matitipid lang na sagot ang binibigay namin sa kanila.
"O hijo, mauna na kami. Sunduin mo bukas si Nicole ha, at sabay na kayong pumasok." Saad ni Tita habang nakangiti sa akin.
"Ma! Kaya ko namang pumasok mag-isa. Magpapahatid na lang ako kay Manong Ed." Agad na tutol ni Nicole. Akala mo naman may gagawin akong masama sa kaniya. Kung maka-hindi sa nanay niya e. Tss
"May lakad kami bukas ni Mang Ed, kaya di ka niya maihahatid. O Sky, aasahan kita ha." Pagdadahilan ni Tita sabay ngiti na naman sakin.
"Opo, Tita." Sagot ko. May binabalak na naman tong si Tita.
*doorbell
Bakit ba wala pa si Nicole? Kanina pa dapat siya lumabas e. Male-late kami neto!
Bulong ko sa sarili, kanina pa ko pindot ng pindot sa doorbell pero walang nasagot. Kaya naman lumakad na ko paalis. Nakakabwisit, kanina pa ko naghihintay e. Sumakay na ko sa bicycle ko. Mas mabilis kung gagamitin ko 'to kaysa maglakad.
Nagmadali ako sa pagpidal dahil ilang minuto na lang e masasaraduhan na ako ng gate ng school. Pero napa-preno ako bigla ng may narinig akong sigaw sa di kalayuan.
"Tulong!"
Si Nicole 'yun a!
"Bumalik na lang kayo dito bukas para malinisan yung sugat niya. Eto yung medical certificate, para ma-excuse kayong dalawa. Iuwi mo na siya hijo para makapagpahinga na kayo."
Inabot ko ang papel at nagpasalamat sa nurse.
"Pasalamat ka dumating ako doon. Kung hindi, baka di lang iyan ang natamo mo."
Tinignan ko si Nicole habang inaalalayan kong maglakad. Inirapan niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Maya-maya pa ay inalalayan ko na siyang umangkas sa aking bisekleta. At nagsimula na akong pumidal.
"Sino ba naman kasi ang may sabing gamitin mo ang Skateboard na iyan? Atsaka, saan mo ba iyan nakuha?"
Hindi na naman siya umimik. Napipikon na talaga ako.
"O-oy! Teka, bakit ka lumiko? San tayo pupunta?!" Sigaw na may halong panic. Di ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Sa bangin, ihuhulog na kita dun." Sagot ko na may halong pang-iinis.
Agad siyang nagwala at hininto ko agad ang bisekleta dahil baka matumba pa kami.
"Ano ba?!" Sigaw ko in frustration. "Se-semplang tayo sa ginagawa mo e!"
Napatulala siya sakin, maya-maya lang ay may lumabas na na luha sa kaniyang mga mata. Agad akong nangamba at humakbang upang lapitan siya.
"Wag ka ng lalapit sakin!" Sigaw niya habang nagtatatakbo.

BINABASA MO ANG
The Story of Us (On-Going)
Short StoryWhen the love that all you've wanted is nothing but a tragedy. This story is based on a song of Taylor Swift, The Story of Us.