Chapter 13

16 0 0
                                    

So many things that I wish you knew,

So many walls up I can't break through.

**

Natigalgal ako. Malakas ang pagkakasampal niya sakin. Natigilan ako saglit at hinawakan ko ang pisnging pinanggalingan ng palad niya. Agad ko siyang binalingan ng tingin at tinanong.

"Bakit, Nicole?"

"Sky,"

Yun lang ang tangi niyang binanggit. At bigla ng bumuhos ang mga luha niya. Nakatitig ako sa kaniya at nagtataka kung bakit niya ako sinampal at bakit siya umiiyak. Pinagti-tripan niya ba ko? Sasampalin niya ko tapos siya yung iiyak? Tatawa na ba ko? Pero kahit parang pinagti-tripan niya nga ako, humakbang ako palapit sa kaniya. Akmang hahawakan ko siya.

"Sky, bakit?"

Tanong niya habang umiiyak. Parang seryoso siya. So hindi trip lang?

"Nicole, hindi ko maintindihan. Anong nagawa ko?"

Wala talaga akong maisip na pwedeng nagawa ko para magalit siya sakin at umiyak siya ng ganito sa harapan ko. Hindi ko na mahintay na tumahan siya at ipaliwanag sakin kung bakit siya nagkakaganito.

"Alam ko naman, na may karapatan kang magalit sakin dahil akala mo pinalitan kita. Akala mo pinalit ko na si Alex sa posisyon mo sa buhay ko. Pero hindi, nagkakamali ka, Sky. Iba si Alex, iba ka."

Paliwanag niya habang humihikbi. Hindi ko pa din maintindihan kung ano yung sinasabi niya pero nakikinig ako sa kaniya.

"Pero, Sky naman, bakit kailangan meron ka na agad iba?"

"Nicole, anong sinasabi mo? Wala akong iba."

Pagpapaliwanag ko sa kaniya pero umiling lang siya habang umiiyak. Ang sarap sa pakiramdam na naisip niyang meron akong iba at ganito ang reaksyon niya. Pero at the same time, masakit. Masakit kasi nakikita ko siyang nasasaktan. Which is hindi naman dapat. Hindi naman dapat siya umiiyak ngayon sa harap ko at nasasaktan ng ganyan, kase wala naman talagang iba. Mula noon hanggang ngayon, wala pa ring tatalo sa Alaska. De joke, mula noon hanggang ngayon, Nicole ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko.

Gusto kong mag-conclude. Gusto kong umasa. Baka sakali. Baka kaya siya nagkakaganito ay dahil natupad na ang noon ko pang hinihiling. Na baka pareho na kami ng nararamdaman. Na baka hindi na one sided love ang story naming dalawa.

Pero kailangan ko munang marinig yun mismo sa kaniya. Kailangan ko ng assurance. Kailangan ko ng mga salita niya.

"Nicole hindi ko maintindihan. Akala ko ba wala kang nararamdaman sakin. Akala ko ba walang tayo. Pero bakit ka umiiyak ngayon? At kayo ni Alex, ano ba talaga kayo? Simula ng dumating yang lalaking yan sa buhay mo e kinalimutan mo na ko!"

Hindi ko na kinaya. Nasabi ko na sa kaniya lahat. This is it. I'm all in, Nicole. I'm all in.

"Hindi kita kinalimutan Sky! Kung alam mo lang, hinding hindi kita kayang kalimutan. At oo, sinabi kong walang tayo. Kase wala naman talaga,"

Hindi niya DAW ako kinalimutan.

Gusto kong magalit sa sagot niya. Gustong gusto kong magalit. Hindi ako tanga. Alam kong hindi isang ilusyon o pag a-assume ang naganap nitong mga nakaraang linggo. At alam na alam ko dahil totoong totoo ang sakit. Pero dahil sa sinabi niya, hindi ko maiwasang umasa. Gulong gulo na ko.

Pero teka, pagpalagay na natin na feeling ko lang nga yun at hindi niya talaga ako kinalimutan. Kikiligin na sana ako ng sinabi niyang hindi niya ko kayang kalimutan. Pero nawala e. Nawala yung kilig ng binanggit niyang wala naman talagang kami. So kailangan isampal talaga sa mukha ko yan?!

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon