Chapter 10

15 0 0
                                    

Oh, I’m scared to see the ending

Why are we pretending?

This is nothing.

I tell you I miss you but I don’t know how

I never heard silence quite this loud

 

Nicole,

Lumingon lang siya sakin saglit at dumeretso na sa dining table saka umupo. Ni hindi man lang tumagal kahit 5 seconds yung pagtingin niya sakin. Ang bading sabihin pero masakit. Ang sakit talaga. Nasasaktan ako sa ginagawa mo Nicole.

“Kanina ka pa naming hinihintay dito hijo, tara na kumain.” Alok ni mama sakin. Tumango naman ako.

“Sige po ma, akyat lang ako sa kwarto saglit.”

Nagmadali na ko paakyat na halos madapa na ko sa pagmamadali. Agad akong dumiretso sa cr para mag-shower saglit. Alam kong amoy pawis na ko. Ayokong mag-amoy mabaho sa harap niya. Ang tagal naming hindi nagkaharap ng ganito. Actually, ngayon lang ulit siya napunta sa bahay namin dahil nga sa pangyayaring yun.

Kailangan ko siyang makausap. Yung kaming dalawa lang. Kailangan kong mag-sorry sa kaniya. Kahit wala naman akong ginawang kasalanan. Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan. Hindi ko na kayang ganito kami. Sobrang miss na miss ko na siya..

Nagbihis ako ng simpleng polo shirt na blue, khaki shorts at vans. Dumeretso na agad ako sa kusina. Hindi na ko nagsuklay. Kaya naman pinasadahan ko na lang ng kamay ko ang buhok ko. Nahuli ko ang mata niya. Pero bigla naman siyang umiwas ng tingin ng nagtama ang mga mata naming.

Tiningnan niya ko. Na-miss mo ba ko? Na-miss mo ba ako, Nicole? Sabihin mo lang na na-miss mo ko. Kakalimutan ko kung ano mang meron sa inyo ng Alex na yun. Kakalimutan ko lahat Nicole. Sabihin mo lang.

“Hay nako, sinasabi ko na nga ba e. Dito ka na Sky, Ate Lorie paki nga.”

Umupo ako sa tapat ni Nicole. Katabi ni mama. Inasikaso naman ako ni Ate Lorie na agad ko namang tinaggihan.

“Ako na po,”

Tumango lang si Ate Lorie at nginitian ako. Wag ngayon Ate Lorie. Wag ngayon.

“As I was saying, napapadalas na nga sa bahay namin si Alex,”

Napalingon agad ako kay Tita Alison. Nalaglag ko pa yung tinidor ko.

“Sky, anak, mag-ingat naman.”

“So yun nga, mabait naman siya. Wala naman akong nakikitang masama sa kaniya. Pero alam mo na, nakakapanibago. Nami-miss ko na yung pagbisita ni Sky sa bahay.”

Pagpapatuloy ni Tita Alison, bigla naming nabilaukan si Nicole. Agad siyang binigyan ng tubig ni Tita at hinagod ang likod niya.

“You okay, anak?”

Yes, ma”

Tinitigan ko lang siya. You are enjoying this Nicole, huh?

“Nagulat ka yata masyado sa sinabi ng mama mo, hija?” Napahalakhak si mama.

“Oo nga naman Nicole. Bakit ganyan reaksyon mo? Hindi mo ba ko nami-miss?”

Nanlaki ang mata niya sakin. I smirked. Speak up, Nicole. I know you miss me. You miss me damn much.

Nagtawanan lang sila mama at tita. Napunta na sa iba yung usapan nila. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Pero hindi ko inaalisan ng tingin si Nicole. Pansin ko namang hindi siya kumportable sa pagtitig ko sa kaniya.

Why Nicole?

Niyaya kami ni mama sa pool side. Nagdala naman si Ate Lorie ng sliced fruits at juice. Nakaupo si Nicole sa gilid ng pool kaya tinabihan ko siya. Akmang tatayo siya ng nakita niyang paupo ako sa tabi niya.

“No, Nicole. Stay. Kailangan nating mag-usap.”

“Fine.”

Umupo siya ulit at binabad ang mga paa sa pool. Nilalaro niya ito sa tubig. Inalok ko siya ng juice na dala ko pero umiling lang siya. Nakatingin lang siya sa pool, at ako naman, nakatingin lang sa kaniya.

Para kaming mga tanga.

Inabot na kami ng ilang minuto pero di pa rin siya naimik. Tahimik pa rin siya. Diba sabi ko mag-uusap?

“Nicole, let’s talk.”

“Talk then,”

Napabuntong hininga ako. Galit ba siya sakin?

“Okay, look Nicole, I’m sorry. Kung ano mang kinagagalit mo sakin. I’m sorry. Please bumalik na tayo sa dati. Sobrang miss na kita. Hindi mo ba ko nami-miss?”

“Hindi mo alam kung anong dahilan at iniiwasan kita?”

“Hindi. Pero kung ano man yun sorry na. Please patawarin mo na ko. Ayoko ng ganito yung set up natin. Nahihirapan nako. Hindi ka ba nahihirapan Nicole?”

“Bakit ka magso-sorry kung di mo naman alam kung anong kasalanan mo?”

“I’m saying sorry dahil ayaw kong mawala ka sakin ng tuluyan. I miss you Nicole, I miss us.”

Tumayo siya bigla. Akala ko maglalakad na siya paalis pero tumigil muna siya at nagsalita.

“Hindi ako sayo, Sky. At walang tayo.”

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon