Chapter V

17 1 0
                                    

Oh, a simple complication

Miscommunication leads to fall out

So many things that I wish you knew

So many walls up I can't break through

Pumasok ako na papikit-pikit. Sobrang napuyat ako kagabi. Hindi din naman ako nakapag-aral. Nakatulala lang ako sa notebook na galing kay Charice.

"Pre, pakopya mamaya. Di ako nakapag-aral kagabi e!" sigaw ni Joss. Yung totoo? Hindi ba siya nahihiya? Talagang pinagsisigawan niya pa na kokopya siya sakin mamaya?

"Hindi din ako nakapag-aral kagabi pre." Sagot ko ng may tonong tinatamad.

"Weh?! E balita ko, pinuntahan ka pa ni Charice kagabi sa inyo para lang bigyan ng notes!"

Napalingon halos lahat ng kaklase ko sa sinabing 'yun ni Joss. Eskandaloso talaga to.

Nakita kong medyo namula ang pisngi ni Charice at bahagyang yumuko. Habang ang mga katabi niya ay tinutukso siya. Pero si Nicole ay saglit lamang lumingon sa amin at ibinalik agad ang kaniyang atensyon sa pagbabasa.

Pero ang mas pumukaw ng aking atensyon ay ang lalaking bagong dating at biglang tumabi kay Nicole. Agad naman siyang hinarap nito at nakipag-kwentuhan na.

"Pre, sino yun?" tanong ko kay Joss.

"Ah, iyun bang katabi ni Nicole? Si Alex Mendoza 'yan. Transferee, kahapon lang. Bakit mo natanong?"

Napatango ako nagkibit-balikat lang sa tanong ni Joss. Hindi na ko nag-abalang magbasa pa para sa long exam mamaya. Wala din naming papasok sa utak ko. Nakadikit na ang paningin ko sa Alex na yun at sa pakikipag-usap niya kay Nicole. Mukhang close na sila.

Kung titigang mabuti si Alex, mukha siyang laking Maynila. Porma pa lang, alam mo na. Napansin ko din ang skateboard sa ilalim ng upuan niya. Siya marahil ang nagturo kay Nicole gumamit nun noong nakaraang nakita ko siya.

"Nandiyan na si Ma'am!" Siko sakin ni Joss. Hindi ko napansin na nasa unahan na pala ang teacher namin. Nag-recap saglit si ma'am at nag-exam na kami. 50 items, at nasa 20 lang ang mga sigurado kong sagot. Karamihan ay galing sa stock knowledge ko. Patay na, maibabagsak ko yata ang exam na ito. Ilang percent ba to ng final grade ko?

Tinitigan ko ang papel ko. Marami pang blangko. Wala pang nagpapasa. Marahil nahirapan din ang mga kaklase ko. Iniisip ko kung ipapasa ko na o hindi. Wala na rin naman akong maisagot. Wala namang pinagkaiba kung ipapasa ko na o hindi pa dahil wala na rin naman talaga akong mapipiga pa.

"Very good Mr. Mendoza, you can go now."

 

Napatunghay ako at napatingin sa unahan. Tapos na agad siya? 15 minutes pa lang ang nakakalipas ha. At marahil tama lahat ng sagot niya dahil ganun ang ekspresyon ni Ma'am.

Sino ka ba talaga Alex Mendoza?

"Grabe, hindi ko talaga naalala kung anong taon nangyari yun. Yun lang ang wala akong sagot sa exam kanina e!" kanina pa naghihinayang si Charice sa item na hindi niya nasagutan sa long exam kanina. Hindi pa tuloy nangangalahati yung pagkain niya.

"Kainin mo na yan Cha, malapit ng matapos ang lunch break natin."

"Ay! Oo nga, hehehe" sagot ni Charice at kumain na.

Nahuli kong nakatingin sa direksyon namin si Nicole, at ng makita akong nakatingin sa kaniya ay biglang kinausap ang nasa harapan niya. Nanlaki ang mata ko ng punasan niya ang bibig ni Alex gamit lamang ang kanyang kamay. Nasamid ako bigla.

"Ay! Tubig o, ano bang nangyari sayo Sky?" Tanong ni Charice sabay abot ng baso ng tubig sa akin. Agad ko naman iyong ininom.

Sinundan ni Charice ang paningin ko kaya naman napabuntong hininga siya.

"Kaya naman pala e."

Tinapos ko na lang yung kinakain ko.

"Grabe! Sa Monday tatlo agad exams natin! Gusto mo mag-review tayo sa inyo sa weekends?.." hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Charice dahil napatigil ako sa harap ng bulletin board.

"Oh, meron na palang banda sa school natin. Akala ko sa senior high lang meron."

Yun din ang naisip ko. Pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang pangalan na nakaimprenta sa baba ng announcement na ito.

Alex Mendoza

Sino ka ba talaga?

A/N: Open for dedics! Just pm me or comment here. Godbless! ♥

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon