Oh, a simple complication
Miscommunication leads to fall out
So many things that I wish you knew
So many walls up I can’t break through
“Sky may bisita ka, nasa baba.”
Napabalikwas ako sa biglang pagsasalita ni Ate Lorie sa pintuan ng kwarto ko. Ibinaba ko agad ang gitarang hawak ko at tumungo na sa hagdanan. Hinihiling kong sana ay si Nicole iyon ngunit alam kong imposible. Ayoko ng mag-assume. Ayoko din kasing ma-disappoint.
“Sky,” malumanay na sabi ni Charice sabay tayo ng Makita ako.
Kaya ayokong mag-expect e.
“Anong maitutulong ko sayo Charice?" Pinilit kong gawing magalang ang tono ng boses ko para hindi siya mainsulto, sana hindi niya maisip na disappointed akong siya ang nakita ko sa salas namin.
“Absent ka kase kanina, kaya naisip ko, baka makatulong to sayo.” Sabay abot niya sakin ng isang notebook. Notes siguro to.
“Salamat.” Sagot ko na may kasamag ngiti. “Nag-abala ka pa.” Iginaya ko ang aking kamay at nilahad ang sofa sa kaniya. Umupo ako sa tapat niya.
“Gusto mong mag-miryenda?” tanong ko. Ngunit umiling lamang siya.
“Hindi na, dumaan lang ako dito para ibigay yan sayo. Nga pala, may long exam tayo sa history, kaya sana makatulong yan sayo.” Wika niya, sabay tayo.
“Sandali lang,” Pigil ko kay Charice. Alam kong napaka-pathetic ng gagawin ko pero sobrang hopeless na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatingin siya sa kamay kong hawak ang sa kanya, kaya naman napabitaw ako bigla.
“A-ano yun Sky?” Tanong niyang medyo nahihiya. Naiilang ba siya sakin?
“May itatanong lang sana ako sayo, pero kung maaari, sa ating dalawa lang ito. Pwede ba?”
Unti-unti naman siyang tumango. At naupo ulit kami sa sofa.
“May alam ka ba sa pinagdadaanan ni Nicole ngayon? Hindi na kasi siya nakikipag-usap sakin at iniiwasan niya na ko. Normal pa din naman ang pakikitungo niya sa iba nating mga kaklase, kaya di ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganun.”
Halatang-halata na nagulat siya sa tanong ko kaya naman napahinga ako ng malalim.
“Pasensya ka na Charice, wala lang talaga akong ibang maisip na pagtanungan nito.”
“Okay lang,” sabay hawak niya sa aking kamay at tiningnan ako na para bang naiintindihan niya ako. “ Masyado lang sigurong okupado ang isip ni Nicole kaya ganun ang kinikilos niya sayo. Intindihin mo na lang siya.”
Tumango-tango ako sa sinabi niya. “Siguro nga tama ka. Hindi dapat ako nagiisip ng kung anu-ano. Salamat, Charice.” At binigyan ko siya ng makahulugang ngiti.
Inihatid ko na siya sa labas at hinintay na makasakay siya. Tinext ko pa siya upang paalalahanan na mag-ingat siya at magtext sa akin kapag nakauwi na siya sa kanila. Isang mabuting kaibigan si Charice. Although madalas siyang nakikisama sa mga lalaki, hindi ako naiilang sa kaniya. Hindi naman kasi siya nakakainis dahil hindi siya maarte. Nakikisabay siya sa mga trip ng mga lalaki. Cowboy kung baga.
Umakyat na ako at binasa ang notebook na binigay ni Charice. Napatingin ako sa cellphone ko at napansing may nagtext na pala dun. Agad kong binuksan at inisip na baka si Charice ito na nagsasabing nakauwi na siya sa kanila. Ngunit natigila ako ng ibang pangalan ang nakita ko sa screen.
Nicole
Agad kong binasa ang text message niya sakin.
Magkita tayo sa lake, hihintayin kita.
Shoot! Kanina pang 7:45pm yung text niya. 8:30pm na ngayon! Iniisip ko pa lang na pinaghintay ko siya ng 45 minutes, gusto ko ng sapukin ang sarili ko. Agad akong nagsuot ng jacket at tumakbo sa garahe. Sumakay ako sa bisekleta ko at mabilis na tinungo ang lake na madalas naming tambayan. Halos matalisod ako sa pagmamadali upang maabutan si Nicole na maaaring kanina pa naghihintay sa akin dito. Hindi ko maiwasang mainis saking sarili kapag naiisip kong pinaghintay ko siya ng ganun katagal.
Ngunit hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan.
Alam ko, naisip ko na, na baka hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa’t isa. Pero masakit parin pala kapag nakikita mo na ng harapan. At hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Kanina lamang ay gutong gusto ko siyang Makita. Inaasahan kong naghihintay pa rin siya para sakin.
Pero ngayon, sana pala di na lang ako pumunta. Sana nagkunwari na lang akong di ko nabasa ang text message niya at nag-aral ng mabuti para sa long exam naming sa history.
Kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko sa nakikita ko ngayon.
“Nicole, sa tingin ko hindi na siya darating.” Bulong ng lalaking nakayakap sa kaniya, hawak ang kaniyang kaliwang kamay at hinahaplos-hapos ang kanyang buhok.
“Baka nga, tara na Lex, giniginaw na rin ako e.” Sagot naman ni Nicole. At kahit giniginaw na siya, maganda pa rin siya sa paningin ko.
A/N: Sorry for the late update, hindi ako makapag-update pag weekdays kasi nasa boarding house ako nun. At every Friday lang ako nauwi. Hindi din naman ako nakapag-update last week. Writer's block. Pero sana suportahan niyo pa rin 'tong story ko. Tatapusin ko po ito dahil Short Story lang naman ito.
So I guess, every Friday or Saturday ako mag-a-update. Have patience on me please! =)
Vote please, ♥

BINABASA MO ANG
The Story of Us (On-Going)
Short StoryWhen the love that all you've wanted is nothing but a tragedy. This story is based on a song of Taylor Swift, The Story of Us.