I use to know my place was a spot next to you
now i'm searching a room for an empyt seat
'cause lately i don't even know what page your on
Tanghali na nakapasok si Nicole. Half day. Inasar ko siya. "Ano ka kinder?" Inirapan niya lang ako. Imbis na sakin magtanong ng mga na-miss niyang notes, dun siya lumapit sa mga kaibigan niyang babae. Pero nakikipag kwentuhan lang naman siya.
"Pwede ko bang iuwi 'tong notebook mo?"
Kita mo na. Sabi ko na nga ba 'yan sasabihin niya e.
Natapos ang buong araw pero di niya 'ko masyadong pinapansin. Hanggang sa nauna pa siyang lumabas ng class room sa akin.
"Nicole!"
Tawag ko sa kaniya pero imbis na huminto siya at lingunin ako e mas binilisan pa niya ang lakad. Tinakbo ko ang distansya sa aming dalawa at agad na hinigit siya paharap sakin.
"Ano bang problema mo?"
Tanong ko sa kaniya na may halong pagkainis. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla niya na lang akong iniiwasan.
"Akala mo hindi ko alam, Sky pinagkatiwalaan kita! Akala mo ba hindi ko makikita yung ginawa mo? Ngayon na nalaman ko na, sa tingin mo walang epekto sakin? Pwes nagkakamali ka Sky! Wag ka ng umasa na babalik tayo sa dati!"
Pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yun ay binawi niya ang kaniyang kamay at naglakad na palabas ng gate.
Naiwan ako doong tulala at hindi maintindihan ang nagyayari.
"Grabe naman yun.."
"Ano bang nangyari?"
Naririnig ko na ang mga estudyanteng dumadaan habang nakatingin sa akin na para ba akong isang nakakatuwang atraksyon. Kaya naman naglakad na ako palabas ng eskwelahan na ito.
Nakarating ako sa tambayan namin dati, sa lake. At doon ko na naintindihan ang lahat. Hindi ko pala nailigpit ang inihanda kong sorpresa para sa kaniya kahapon. Nadatnan ko ang mga gamit na inayos ko noon ay gulo-gulo na ngayon. Baka nanggaling siya dito kaninang umaga. At nakita niya 'tong lahat.
Pero nakakapagtaka, bakit siya pupunta dito? Hindi naman napunta dito si Nicole nang siya lang mag-isa. Sigurado akong merong nagpapunta sa kaniya dito. Kung sino man 'yun, wala akong ideya.
Umuwi ako ng halos wala sa aking sarili. Ilang beses ko mang isipin kung paano at sino ang may kagagawan ng lahat ng ito ay wala talaga akong maisip. Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa surpresa kong iyon kaya napakaimposible na may makaalam ng inihanda kong iyon.
Pero kung sino man 'yon, malalagot talaga siya sa akin. Sa oras na malaman ko kung sino siya, hindi ko na alam kung anong kaya kong gawin sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang hijo? Kanina pa ang labasan niyo hindi ba?"
Tumango na lang ako kay Mama at umakyat na sa kwarto ko para magpalit. Lutang akong naglalakad patungong kusina kaya naman kinulbit ako ni Ate Lorie.
"Anyare sayo?"
Sinimangutan ko lang si Ate at umupo na ako sa hapag kainan. Sinundan niya naman ako at siniko.
"Umayos ka, andiyan na ang Papa mo."
Paglingon ko sa kusina ay naroon nga si Papa. Nasa likod niya si Mama na may dalang kanin samantalang siya naman ay dala-dala ang ulam namin na mukhang siya pa ang nagluto.
"Anak! Nandiyan ka na pala!" Bati na Papa na ngiting-ngiti sa akin. Good mood yata siya. Baka maganda ang takbo sa planta.
"Tikman mo 'to anak, kami ng Papa mo ang nagluto niyan!" Saad ni mama habang sinasandukan ako sa aking plato.

BINABASA MO ANG
The Story of Us (On-Going)
Short StoryWhen the love that all you've wanted is nothing but a tragedy. This story is based on a song of Taylor Swift, The Story of Us.