Chapter 7

24 0 0
                                    

A/N: Late Update, sorry. Nag-prelims kasi e. Study first above all. J

At dahil almost 1 week na lang, Christmas na. Gift ko na sa inyo itong chapter na to! Advance Merry Christmas and Happy New Year! Btw, sa mga swifties dyan, may event po sa January 17, 2015. God! 2015!! Sa Festival Mall. Sana makasama kayo, meet ups for Swifties.

Enjoy reading.

Now I'm standing alone in a crowded room

And we're not speaking

And I'm dying to know is it killing you like it's killing me

I don't know what to say since a twist of fate made it all broke down

And the story of us looks a lot like a tragedy now

"Waah! Talaga? Sasama ka?"

Tumango ako. Tapos tumili na naman siya. Kinikilig ba siya sa harap ko o ano?

"See you later! Fetch me at 6, 7 mag-uumpisa yung gig nila e, bye!"

Tapos nagtatakbo na siya paalis. Teka lang, susunduin ko ba siya sa kanila?

At dahil hapon na din naman, umuwi na ko sa bahay. Nagpaalam na ko kila Mama at Papa, dahil siguradong gagabihin ako. Nag-shower na din ako. Ayokong mag-amoy mabaho, siksikan dun for sure, nakakahiya naman sa magiging katabi ko. At saka, papa-impress ako kay Nicole e.

Since quarter to 6 na, umalis na ko. Susunduin ko pa si Charice e. Pumitas ako ng flowers sa kapitbahay. Ganun napapanuod ko sa mga palabas e. Testing ko nga, malaman kung effective.

Nasa harap na ko ng bahay nila Charice. Kung pano ko nalaman ang bahay nila, wag niyo na lang itanong. Kumatok na agad ako. Pinagbuksan naman niya ko.

"Hi, for you." Sabay abot ko ng bulaklak. Napangiti naman siya, mukhang effective nga.

"Tara na?"

"Sure. Ma, alis na po kami."

Nagpaalam na din ako sa parents niya at pumunta na kami sa school. Sa school kasi gaganapin yung gig nila Alex. Kapal nga e, kakalipat pa lang e may gig na agad sa school.

Inggit ka lang e,

"Hayy."

"Okay ka lang Sky?" Tanong ni Charice na pinanlakihan pa ko ng mata.

"Okay lang ako." Sabi ko sabay shrug. Baka isipin nito nababaliw na ko e.

Pumasok na kami sa school grounds at dumeretso sa quad dahil doon ang pinaka venue. Hindi pa ganun kadami ang tao dahil maaga pa. Kaya niyaya ko muna si Charice na kumain sa canteen sa likod ng quad.

"Grabe, sikat pala si Alex dun sa Mindoro. Bakit kaya siya lumipat dito?"

Kwento lang ng kwento si Charice, samantalang ako kain ng kain at ginagala ang mata ko sa paligid. Nagbabaka-sakaling makita si Nicole. Dapat pala sinundo ko na din siya at sinabay samin. Tutal frontrow din siya e.

"Uy, sino ba hinahanap mo?"

"Ha, a-e. Wala."

"Si Nicole ba? Naku, malamang sinundo yun ni Alex at sabay silang pupunta dito. Uy Camille!" Tawag niya bigla sa kaklase naming at iyon naman ang kinausap niya ng kinausap.

At bakit naman sila magsasabay ni Alex papunta dito? Pinopormahan ba siya ni Alex?

Nakapwesto na kami sa pinakaharap ng stage. Dahil ilang minuto na lang, mag-uumpisa na ang tugtog nila. Nagtitilian na ang mga babae sa paligid. Yung totoo, san nanggaling mga fans niya? Kabago-bago e sikat na agad.

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon