Now I’m standing alone in a crowded room
And we’re not speaking
And I’m dying to know is it killing you like it’s killing me
I don’t know what to say since a twist of fate made it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now
“Subukan kaya nating panoorin ulit?”
“Panglimang beses na natin napanuod yan! Bakit ba hindi mo maintindihan?!”
“E ma-slang kase! Anong magagawa ko? Wala naming subtitle!”
“Ay ewan ko sayo!”
Kanina pa kami nagtatalo sa panunuod ng gagawan naming movie review. Sa totoo lang, alam ko na naman talaga tong V for Vendetta. Inaasar ko lang si Nicole para magtagal siya dito sa bahay. Mukang effective naman.
“O, mag-miryenda muna kayo.” Sabay lapag ni Ate Lorie ng isang tray na puro fruits.
“Salamat Ate Lorie!” Sigaw ni Nicole. Oo, sumigaw siya. OA lang yung pagpapapansin niya kay Ate Lorie tapos pag ako kausap niya grabe ako awayin. Yung totoo, bakit ko ba mahal tong isang to?
Pinanood ko siyang kumain ng apples at oranges. Muka talaga siyang bata, ang kalat pa kumain. Sobrang feel at home samin, wala ng poise. Ano ba nagustuhan ko sa babaing to?
Gusto mo ba talagang sagutin ko yang tanong mo?
Hala! Sino yun?
“Anyare sayo?” Tanong bigla ni Nicole.
Napatingin na lang ako sa kaniya sabay napailing. Ayos Sky! Malala ka na talaga. Tsk tsk.
Inabot na ng dilim si Nicole sa bahay. Kaya hinatid ko na siya sa kanila. Sabi ko ako na lang gagawa ng documentation. Na-i-draft naman namin ng ayos e. Nilabas ko na yung bisekleta ko at sapilitan ko siyang pinaangkas. Take note, sapilitan. Bakit ba ang arte nitong isang to?
“H’wag ka nga malikot. Mamaya magsemplang pa tayo ako pa sisihin mo.”
“Kase naman pwede naman tayong maglakad! May pa-bike-bike ka pang nalalaman!” Sigaw niya na naman na may kasamang irap.
“E para mabilis! Choosy pa to.”
Katahimikan.
“Baba ka na,” Sabi ko, nandito na kase kami sa harap ng bahay nila.
Bumaba naman siya.
“Pumasok ka na.”
“A—e” Sabi niya sabay lagay sa likod ng tenga niya ng ilang takas na buhok sa pagkakatali nito.
“May sasabihin ka?”
“A—wag na nga lang, nakakahiya e!”
“Meron ka pala nun.” Bulong ko.
“Ayts! Sabihin ko na nga! Ano kasi, uhm.. To-totoo ba?”
“Ang alin?” Tanong ko. Malay ko ba kung ano yung tinatanong niya.
“Totoo ba na, na--, na may gutso ka sakin? K-kasi, parang wala naman e. Parang di naman halata kase, kase ganun pa din kinikilos mo sa harap ko.”
“A. Yun lang ba? Bakit, ano ba dapat ikilos ko sa harap mo?”
Napakurap siya. Mga tatlong beses. Napahiya yata sa sagot ko. Wrong move ba? Tsk
“A h-hindi naman sa ganun! Ang ibig kong sabihin, kasi diba, yung iba kase—“
“Sweet, hated-sundo, laging naka-alalay sayo, ano pa?”
“A—e, parang ganun na nga, he-he”
Ang cute niya. Shet lang.
“Bakit, di ba ko ganun sayo?”
“A—“
“Jusmeyong bata ka andyan ka na pala! Kanina pa may naghihintay sayong bisita—“
Spell wrong timing? =___=
“Huh? Sino pong naghihintay sakin? Gabi na ha.”
“Oo nga, kanina pa yan hapon andito, hihintayin ka daw umuwi e. Nakatulog na nga sa sofa. Alex daw.”
Sa totoo lang hindi ko alam ibig sabihin ng nagpanting ang tenga, pero ngayon alam ko na.
“A! Si Alex, sige po susunod na ko! Bye Sky, salamat sa paghatid! Ingat ka!” Sigaw habang tumatakbo papasok sa loob.
Di ba yun naman sabi ko kanina? Bakit parang ayoko muna siyang papasukin sa loob nila?
“Mamaya na yung gig nila Alex sa quad. Manunuod ka?”
Napalingon ako kay Charice. Naalala ko, close nga pala kami.
“Hindi, Ikaw?”
Medyo napasimangot siya sa sagot ko. Ano ba inaasahan niya?
“Ganun ba? Sayang naman, dalawang ticket pa naman binili ko.”
“Yayain mo si Nicole.” Pero sana di din siya sumama.
“Naku! May ticket na yun, binigay ni Alex sa kanya.
“Talaga?!”
“Oo, frontrow pa nga e. Daya.”
“Teka, yung ticket mo ba frontrow din?”
Napatango bigla si Charice.
“Sige, sasama ako.”
Vote & leave Comments.
Spread the word. #TheStoryofUsMissSwifts

BINABASA MO ANG
The Story of Us (On-Going)
Short StoryWhen the love that all you've wanted is nothing but a tragedy. This story is based on a song of Taylor Swift, The Story of Us.