Chapter 11

15 0 0
                                    


Now I'm standing alone in a crowded room


And we're not speaking

And I'm dying to know is it killing you like it's killing me

I don't know what to say since a twist of fate made it all broke down

And the story of us looks a lot like a tragedy now

**

Hindi ko siya maintindihan. San galing yun? San galing yung hindi siya sakin, na walang kami. Oo, alam ko, alam na alam ko na walang tayo Nicole. Kaya bakit ka ganiyan sakin? Ano ba talagang kinakagalit mo?


"Sky," Napalingon ako bigla sa pagtawag sakin ni Ate Lorie. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"Umalis na sila, hindi na nakapag paalam sayo. Mukhang umiyak si Nicole, ano bang nangyari?"

Tumayo na ko at akmang papasok na sa loob. Masyadong nakakapagod ang araw na ito.

"Ate Lorie, hindi ko na alam ang gagawin ko."

**

Ilang araw na yung lumipas after nung pagdalaw nila sa bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasama every Sunday sa Foundation. Ang hirap na kasi. Madalas ko na siyang nakikitang kasama si Alex. Lagi silang nags-skate sa park. And by looks of it, mukha naman masaya na siya.

Bigla kong naaalala yung qoute na nakadikit sa wall doon sa Broken Hearted Center.

If you dont let go of the wrong person, the right person won't show up. You have to make the first move.

Maybe i'm not the right person for you Nicole. Maybe it's Alex. And maybe, i have to make the first move.

"Sigurado ka Sky?!" Sigaw ni Cha. Medyo OA yung pagsigaw niya kaya napapikit ako.

Nagsabi kase ako sa kaniya na kung pwede niya ba akong isama sa susunod na pagbisita niya sa Broken Hearted Center. Tutal di na naman ako napunta sa Foundation ng Company nila Dad every Sunday. Nauubusan na din ako ng palusot kila Mama kung bakit hindi na ko napunta dun. Naiinip na din naman akong magkulong sa bahay. Nalulungkot lang ako lalo dahil naaalala ko lang din si Nicole.

"Oo naman Cha, bakit ba ganyan reaksyon mo?"

"Hindi lang ako makapaniwala. Salamat Sky!"

Sigaw niya ulit sabay yapos sa akin kaya naman nagulat ako at napayapos na lang din sa kaniya. Bigla akong napatingin sa kabilang dulo ng room at nakita ko si Nicole. Masama ang tingin niya kay Charice lalo na sakin. Bigla niyang kinuha ang skate board niya sabay lumabas na.

"Ah, Cha, kita na lang tayo mamaya."

Nagmadali akong lumabas ng class room at sinundan ko kaagad si Nicole. Luckily, naabutan ko naman siya.

"Nicole,"

"Bitiwan mo ko Sky,"

"Ano bang problema mo?"

Kitang kita ko ang inis at galit sa mga mata niya. Ang ipinagtataka ko lang, ano ba ang kinagagalit niya?

"Sky pwede ba tigilan mo na ko!"

Bigla niyang iwinaksi ang kamay ko na nakawak sa braso niya. Ikinagulat ko ang pagsigaw niyang iyon.

"You're unfair! Ang unfair mo Nicole! Bakit ang sama ng tingin mo kay Cha kanina? Akala mo ba hindi ko napapansin na lagi niyong pinaguusapan si Charice ng mga kaibigan mo? Ano bang problema mo kay Charice, ha?!"

"Gusto mong malaman kung bakit? Sige sasabihin ko sayo Sky. Kase naiinis ako sa kaniya, Sky! Naiinis ako sa kung anong meron sa inyong dalawa! Ako yun dati, Sky! Ako yun! Ako yung nasa ganoong posisyon sa buhay mo Sky. Ako yun e."

Naiyak na siya sa pagsigaw niya sakin. Hinahampas niya na ang dibdib ko pero hindi naman ganun kalakas dahil sa pagiyak niya. Hinuli ko ang mga kamay niya at niyakap ko siya.

"Nicole, ang daya mo naman e. Ikaw may iba. May Alex ka, tapos ako hindi pwede? Bakit Nicole? Kung gusto mong ikaw lang sakin, dapat ako lang din sayo. Wag kang unfair Nicole. You should learn, Nicole. Learn."

And with that. I left her. I didn't even know if that's the right thing to do. If it's right to leave her when she's crying and hurting. But i'm hurting too. I'm hurting too, Nicole. And you're not even willing to be there for me. I can't fix you if i'm broken too. Besides, you don't even care if i'm hurting. If i'm breaking.

You should learn Nicole. You should learn.

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon