Chapter 8

25 0 0
                                    

How we end up this way?

See me nervously pulling on my clothes and tryin' to be busy.

But you're doin' you're best to avoid me.

 

 

 

"Grabe! Sobrang saya talaga nung gig na 'yon! Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-recover!"

Sigaw ni Nicole habang kausap niya ang mga kaibigan namin.

May year-end party kase kami dito. At naiinis na ko kasi pagkatapos ng Christmas party namin na yun, wala na siyang ibang bukang bibig kundi ang Alex na yun at kung gaano siya kagaling. Hindi ba siya nagsasawa?

"Selos ka 'no?" Siko sakin ni Joss.

"Umbagan kaya kita dyan?"

"Eto naman, 'di mabiro. Bitter ka masyado e, talaga namang magaling si Alex. Inggit ka lang!" Pang-aasar niya, sabay lakad palayo sakin.

Nakakainis. Puro 'Alex' na lang naririnig ko.

"Guys! Kain na tayo!" Sigaw ni Charice. Kaya naman lumakad na ko palapit sa kanila. Hindi naman ganoong kadami ang pagkain na nakahanda. Nasa loob kasi ng bahay ang mga parents namin. Habang kaming mga magkakaibigan ay nasa pool side. Sumilip ako sa bahay para makitang may kausap si Tita Alison na lalaking ngayon ko lang nakita.

"Joss, kilala mo ba yun?" Tanong ko sa kaniya habang nakain kami ng barbeque.

"Sino ba? Iyong kausap ni Tita Alison?" Nguso niya sa direksyon nila. Tumango naman ako.

"A, daddy iyon ni Alex, balita ko kakadating lang niyan galing Greece."

"Magkakilala pala sila?" Pagtatanong ko. Mukha kasing close na close yung dalawa. Buti hindi nagseselos si Tito.

"Actually, mag-ex sila."

"Talaga?!" Napasigaw ako ng malakas kaya napatingin ang iba sa amin. Kinawayan na lamang sila ni Joss at hinigit ako papunta sa isang gilid.

"Ano ka ba?" Bulong niya.

"Kasi naman, hindi ko alam!" Paliwanag ko. Hindi ko naman kasi talaga alam! Walang nababanggit sa akin sila Tita o kahit si Mama tungkol kay Mr. Mendoza.

"Ang sabi sakin ni Mama, si Mr. Leonardo Mendoza daw ang tanging naging dahilan ng pag-aaway noon ng Mama mo at ni Tita Alison."

"Bakit naman?" Na-curious na 'ko.

"Ewan ko, bakit 'di mo itanong sa Mama mo?" Sabay alis niya at nakisama na sa iba pa naming kaibigan.

Hinanap ng mata ko si Nicole. At nakita ko siyang nakikipagtawanan. And guess what, si Alex ang ka-kwentuhan nito. Sa inis ko ay nilapitan ko silang dalawa. Agad kong hinigit si Nicole sa braso.

"Ano ba?!" Sigaw niya. Halatang naiinis na siya. Well, naiinis din ako.

"Lumayo ka sa Alex na 'yon." Pagdidikta ko sa kaniya. Kitang kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Para bang nagtatanong kung anong nangyayari sa akin.

"At bakit ko naman gagawin yun?" Paghahamon niya.

"Dahil sinabi ko." Matigas na sagot ko. Sinasabayan ko ang tingin niya sakin.

"At sino ka ba sa akala mo, ha?!" Sigaw niya sabay nagpumiglas sa pagkakahawak ko.

"Hindi mo ba alam ang ginawa ng Tatay niya sa pamilya natin?" Natigilan siya sa sinabi kong iyon. Marahil alam niya din ang tungkol dito.

"E, ano naman ngayon? Matagal na iyon! At hindi naman nasira ang pamilya natin Sky! Isa pa, walang kinalaman si Alex sa nangyari sa mga magulang natin noon. Labas siya doon. Labas tayo don."

"Pero Nicole,"

"Layuan mo ako Sky."

Naglakad na sya pabalik sa pwesto niya kanina.

Natapos ang gabi na iniiwasan ako ni Nicole. Nakakainis. Lalo pang nakakainis kasi si Alex lagi ang kasama niya.



"Uy Sky! Aba, 2015 na e nakasimangot ka pa din." Puna sakin ni Charice. Nginitian ko na lang siya.

"Ano bang problema natin?"

Hindi ako sumagot. Alam naman niya kung anong dahilan ng pagmumukmok ko dito. Ilang beses ko ng sinubukang kausapin si Nicole. Nag-sorry na ko sa kanya. Pero wala pa din. Bakit ganun? Parang ang babaw naman ng ikinagalit niya sakin. Ano bang gusto niyang mangyari?

"Alam ko na, tara!" Hinigit ako ni Charice bigla kaya napatayo na lang ako. Nakarating kami sa rooftop. Tumigil siya saglit tsaka ipinahinga ang kamay sa kanyang tuhod. Naghahabol na siya ng hininga.

"Anong trip mo Cha?"

"Dito. Dito ako nasigaw kapag, kapag may problema ako." Sabi niya habang hinihingal pa din.

"Ayoko nga." Sagot ko. Nakakahiya kaya.

"Dali na, parang ganito o." At bigla siyang naglakad palapit sa dulo ng rooftop at itinapat ang kamay niya sa kanyang bibig.

"Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo! Siya na lang lagi nakikita mo! Siya yung maganda, siya yung magaling! Bakit di mo ko makita?! Andito ako! Nage-exist ako! At mahal kita! Kaso ang tanga mo! Sana matauhan ka na!"

Bigla syang humarap sakin. Namumugto na mga mata niya.

"Whooo! Ang sarap isigaw ng feelings na tinatago mo. I-try mo Sky, dali!"

At hinigit niya na naman ako. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti naman siya sakin. Hindi ako manhid. Alam ko na ako yung tinutukoy niya sa sinigaw niya kanina. Pero pano? Mahal niya ako? Kailan pa?

Hinarap ko siya, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at inilapit ko siya sa akin. Niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng matagal. Alam ko sa ngayon naguguluhan siya sa mga kinikilos ko. Pero gusto kong malaman niya na hindi ako tanga. Nagmamahal lang.



"I'm sorry, Cha."

The Story of Us (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon