Chapter 3-Its nothing

2.3K 27 8
                                    

Hindi ko inaasahan na makita si Alexander sa unang araw na pagtatrabaho sa Cafe na napasukan ko. Hindi ko alam kung bakit nandoon siya. Pangalawang araw pa lang namin na nakabalik sa Texas ay nagtagpo na kaagad kami. Napakaliit talaga ng mundo.

Siguro naman ay hindi ko na ulit siya makikita.

I sighed.

This is my second day.

Pumasok ako sa loob ng Cafe at nagdiretso sa kusina. Tahimik kong binuksan ang pintuan. Napigil ang tuluyan kong pagpasok noong madinig ko ang boses ni Alexander.

"Why the hell did you hired Mrs. White?"he said in an annoyed tone.

"She have credentials."Mam Jill defended me though she did not look at my resume.

Napatitig ako sa mukha ni Mam Jill..

Wala siyang flat cap at wala din siyang suot na protective sunglasses. Kaya pala parang may pamilyar sa kanya. Siya iyong kasama ni Alexander sa billboard ng alak.

"Credentials my ass!"Alexander hissed.

Nakagat ko ang labi ko. Ayaw niya talaga na nandito ako.

Napalagpas naman ang tingin ni Mam Jill sa balikat ni Alexander kaya pati si Alexander ay napalingon sa akin. I met his eyes again and this time it held irritation.

"Hi Sam! Forgive my boyfriend's manner. He got his monthly period."Jill smirked.

Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko. She said boyfriend. That answers my question kung bakit nandito si Alexander kahapon. They have relationship. They looked good on the billboard but they looked perfect in person. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko mapigilan na magselos. Alam kong ako ang may sabi sa kanya na maghanap siya ng iba na makakasama niya sa buhay pero hindi ko mapigilan na masaktan.

Kailangang kalimutan ko na siya at ang nararamdaman ko sa kanya. Matagal na kaming tapos. Tinapos ko kaya kailangan panindigan ko.

'Right Samantha. Be casual.'wika ng matino kong kaisipan.

Iyon ang tama kong gawin.

"Its alright.."sinalubong ko ang tingin ni Alexander.

He tsked.

Bahala siya kung ayaw niya na nandito ako. Hindi ako aalis dahil lang ayaw niya. I need this job. Hindi naman siya ang may ari nitong Cafe.

"C'mon boyfriend. Masarap magtimpla ng kape si Sam.."

"Oh...you know how to speak Filipino.."gulat kong wika.

"Yup. Half-Filipina. We'll wait your coffee!"she winked. Hinila na niya si Alexander palabas ng kusina.

Kahit na nakaramdam ako ng selos ay hindi ko magawang tuluyang mainis kay Mam Jill dahil napakabait niya sa akin.

Naisip ko lang kung alam ni Mam Jill ang past namin ni Alexander. Siguro ay hindi dahil kung alam niya ay baka hindi niya ako tanggapin dito.

I sighed.

Nagtimpla na ako ng kape. Black coffee,with creamer and less sugar ang gustong kape ni Xander kaya iyon ang ginawa ko. Ganoon din ang ginawa ko kay Mam Jill.

I stopped on my track when I was about to serve their coffee. Humigpit ang hawak ko sa tray habang nakatingin kay Xander at Mam Jill. Nakaupo si Xander habang nasa likod niya si Mam Jill. Nakahawak ang kamay ni Mam Jill sa balikat niya.

"Oh ayan na pala ang kape natin."wika ni Mam Jill. Napapahiyang nag-iwas ako ng tingin sa kamay niya na nasa balikat ni Xander.

Tahimik kong inilapag ang kape nila sa lamesa. Pinigilan kong mapakunot ang noo noong ilayo ni Xander ang tasa ng kape sa harap niya. Magkasalubong iyong kilay niya.

"Xan?"takang wika ni Mam Jill.

"I want it black."malamig ang boses na wika niya.

"Ay oo nga pala ayaw mo na ngayon ng may creamer."Mam Jill.

So he changed.

"What are you waiting for?"matiim ang tingin na wika ni Xander sa akin.

Hindi ko napansin na natigilan na pala ako.

"S-orry Sir. Wait a minute.."mabilis kong kinuha ang kape.

Napasandal ako sa likod ng pinto ng kusina at mariin na napapikit.

I sighed and walked on the pantry.

Alexander is different now. Hindi na siya iyong dating Alexander na kilala ko..

"Ang tagal ng kape. Magtitimpla lang ang tagal pa. How come Jill said you're efficient."

"Xander.."hindi ko naitago ang bahagya kong pagkagulat sa bigla niyang pag-imik. Wala naman kasing  tunog kahit iyong yabag niya.

Pumihit ako paharap sa kanya para lang mapalunok sa lapit naming dalawa. May distansya naman pero malapit pa din kaya nakakailang.

"Hindi tayo close para tawagin mo akong Xander. Its Sir or rather Mr. Imperial for you Mrs. White."walang emosyon ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"O-f course. Saglit na lang ito Sir."

"Ako na."

Basta na lang niyang kinuha ang tasa sa kamay ko at hinarap ang pantry. Nagsimula siyang maghalwat ng kape at asukal doon.

"Ayaw mo na pala ng creamer ngayon.."

"People changed."

Nakagat ko ang labi ko noong hindi na umimik si Alexander. It is obvious na ayaw niyang makipag-usap sa akin. The tension is too thick I could slice it with a knife.

Nilakasan ko na ang loob ko noong kumilos siya para lumabas na ng kusina.

"About the last time--"

"Its nothing."he cut off my words without looking at me. Nilagpasan na niya ako.

How irony?

Ako ang nakipaghiwalay sa kanya pero ako itong hindi pa nakaka-move on.

Its nothing?

But he is my everything...

Tumingala ako para pigilan ang luha na  nagbabadyang pumatak.

Dark Obsession 2(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon