Chapter 26-✌✌✌

2.1K 26 16
                                    

Maaga kaming gumising ni Xander. Papasok siya sa office pero mag-grocery muna kami. He gave me enough cash. Ako na daw ang mag-budget.

Lumabas na kami ng bahay. Kotse ni Xan ang gagamitin namin.

"X-an..."takot na nilingon ko si Xan noong marating ko ang kotse niya.

Mabilis namang lumapit si Xan.

"Damn it! Who the hell did this?!"galit na bulalas ni Xan.

May pula na tila dugo na nakasulat sa bintana ng kotse ni Xan.

'You'll regret coming back bitch!'

My knees shaked at the message. It was clearly a threat and it was obviously meant for me!

Binuksan ni Xan ang passenger seat ng kotse niya at kumuha ng baril sa loob at nagmasid sa paligid. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at may idinial.

"I need your help now Uno,isama mo si Liam."he listened on the opposite line."Two months leave na ni Liam? Sige. Basta pumunta ka na dito."

Xan looked at me. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nangangatal. Hindi ko magawang itago ang takot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

"Dito na tayo mag-usap. Bilisan nyo. Its a dangerous matter."pinal niyang wika at pinutol na ang tawag.

"W-ala akong natatandaang kaaway. Sino kaya ang gagawa nito?"

"Hindi ko din alam Samantha pero wag kang mag-alala..poprotektahan kita. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo at sa anak natin lalo at magkasama na tayo."

------

Pagdating ni Uno ay kinuhanan niya ng picture ang nakasulat sa kotse ko. Susunod daw si Franz.

"You need to move out,dude."Uno.

"Tama ka,babalik at babalik dito ang may kagagawan nito kaya kailangan kong ialis dito ang mag-ina ko."

Hinawakan ako sa braso ni Sam kaya napatingin ako sa kanya.

"I don't want to stay in your mansion. I d-on't feel like I am welcome there..Jazzy hates me.."nag-aalangan niyang  wika.

I sighed.

"Fine. Hindi tayo uuwi ng mansyon pero hindi tayo mag-stay dito."

Mabilis naming inayos ang gamit nila Samantha. Dinala ko siya sa condo unit ko,ang dati naming love nest. Si Uno naman ay naiwan sa bahay ni Samantha para i-check ang paligid. Irereport pa niya sa base ang nangyari. Si Franz ay tumawag sa akin,on the way na daw siya at dito na didiretso sa unit ko. Siya ang magbabantay kay Samantha at Jacky kapag wala ako habang hindi pa nahuhuli ang salarin. Sabi nga ni Uno ay siya na ang magbabantay sa mag-ina ko. Tsk,I won't entrust my woman on that manwhore.

"Are we going to live here daddy?"hila-hila ni Jacky ang laylayan ng short ko.

"For the meantime baby."I smiled warmly at my daughter and tapped her head.

Napansin ko na matiim na nakatitig sa akin si Sam.

"What?"

"Hindi kaya babae mo ang may gawa nito?"nagdududa niyang wika.

I chuckled at her accusation.

"Wala akong babae. Ikaw lang."nakita ko na kinilig siya pero agad ding nawala.

"Your past girlfriend,bedmate?"

"Wala akong naging girlfriend simula noong mahiwalay tayo. Naikama meron pero mga hindi ko kilala kasi one night stand lang. Hindi ko na inalam ang pangalan pero may iba na natatandaan ko pa ang mukha. I parted ways with those women in good terms dahil nilinaw ko naman sa kanila na isang beses lang namin gagawin and I'd been generous enough with them. I give them money and jewels."mahaba kong paliwanag. I saw jealousy in her eyes but I know she understand that I have needs.

Dark Obsession 2(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon