Annoying 1

53 4 2
                                    

Annoying 1

"KYAAAH! ANG GWAGWAPO NYO TALAGA!"

"JUSTINEEEEE!! AKIN KA NA LANG PLEASE!"

"AKO NA LANG ANG PAKASALAN MO TERRENCE!"

"KYAAAHHH! IUUWI KO NA KAYONG TATLO!"

Nasa may gate pa lang kami ng Academy na papasukan namin puro tili at sigawan na agad ng mga babaeng estudyante ang maririnig mo.

Napatingin naman kami sa pinanggagalingan ng nakakabinging sigawan.

"OMG! What's happening?" gulat na tanong Trish.

"May sunog ba? Bakit sila nagkakagulo?" tanong din ni Fritz.

"Hello? Sunog? Dito sa campus? Pwede ba Fritz, use your head nga!" mataray na sagot ni Trish.

"Bakit bawal ba? Eh malay ko ba kung anong nangyayari. Tingnan mo nga ang gulo-gulo tapos may nagsisigawan pa! Anobg gusto mong iexpect ko?" sagot ni Fritz.

"Pwede mo namang isipin na may rally o concert! Ang dami-daming pwedeng sabihin sunog pa. Kakapasok pa lang natin sunog na agad. Tsaka tingnan mo oh, may mga placardspa." pangbabara ni Trish.

Ayan nanaman sila. Ang aga-aga inuumpisahan nanaman nila ang pagsasagutan. Actually, gantan sila palagi kaya naman sanay na ako. Lagi silang nagbabarahan at nag-aasaran.

Sila ang dalawa kong bestfriend. Iniwan na kasi ako ng dating ko bestfriend eh. Sabi nya babalikan nya ako pero hanggang ngayon hindi pa rin sya bumabalik. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanya. Naniniwala pa rin naman ako sa kanya at sa pangako nya.

Anyweiz, back to reality na. Sila ang dalawa kong bestfriends. Since highschool magkakasama na kami lagi ng mga yan. Sa lahat ng kalokohan, tawanan, dramahan at kung anu-ano pa. Sila din ang laging nagpapasaya sakin sa tuwing nalulungkot ako. Lagi nila akong pinapaiyak sa kakatawa. Hindi nila ako iniiwan mag-isa kapag may problema. Lagi kaming nagdadamayan.

Si Trish Bercede, fashionista kung ituring sa dati naming school. May-ari ang mga magulang nya ng isang kilalang five star hotel dito da Pilipinas. Sunod sa layaw ang mga gusto nya. Kahit spoiled sa mga magulang nya hindi sya mayabang at mataray sa ibang tao. (Saming dalawa lang ni Fritz. >.<) Kayalang kung may kinaiinisan talaga sya grabe sya sa pagtataray. Mabait sya sa mga taong mababait sa kanya. Marami na rin syang mga naging ex-boyfriend. Papalit-palit sya ng boyfriend every month. OA ba? Well, ganyan talaga si Trish. Ang idinadahilan nya puro flings lang naman daw yun. Wala daw dapat sineseryoso pagdating sa pag-ibig.

Kabaligtaran naman nya si Fritz Aguilar. Isa pa lang ang nagiging boyfriend nya. Sobrang nasaktan sya sa first relationship nya kaya naman nangako sya sa sarili nya na hindi na  ulit sya magmamahal. Pero sino nga ba naman ang makakaalam sa future diba? Malay nya sa future makita na nya ang right guy for her. Ang mga magulang nya ang may-ari ng pinakamalaking ship company dito sa bansa. Pamilya nila ang pinakasikat pagdating sa mga naggagandahang yate at naglalakihang barko. Kung si Trish ay kilala sa pagiging fashionista, si Fritz naman ay kilala sa pagiging expect na swimmer. Magaling syang lumangoy. Unlike me na sobrang takot  sa paglangoy-langoy. Marami na syang nakuhang awards, medals, and trophies sa mga sinasalihan nyang swimming competition.

"Uy Zy! Tulala ka dyan. Wala ka bang isusuggest kung anong nangyayari dun?" nabalik ako sa katinuan ko ng bigla akong itulak ng bahagya ni Trish at tinanong.

"Ah, eh?" nagtataka kong tanong.

"A e i o u. Nu ba yan Zy! Ang aga-aga nakatulala ka dyan!" sabat ni Fritz.

"Ohemgi! Girlsss!!! Look!" impit na sigaw ni Trish with matching turo effect pa.

Naguguluhan man ay sabay kaming napalingon ni Fritz sa tinuro ni Trish.

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon