Annoying 9
(Friday, Theater Room)
Inhale.
Exhale.
Inhale.
Exhale.
"Next, Zyla Fuentabella."
Tumayo na ako at pumunta sa may stage matapos tawagin yung pangalan ko. Pagakyat ko sa stage tumingin muna ako saglit sa ibang students and teachers na naghihintay sa gagawin ko. Huminga ulit ako ng malalim at nagsimulang magstrum ng gitara ko.
~Share with me the blankets that you wrapped in
Because it's cold outside
It's cold outside
Share with me the secrets that you kept in
Because it's cold inside
It's cold inside~
Habang kumakanta nakatingin lang ako sa may gitara ko. Hindi ko tinitingnan yung mga nandun sa buong room. Nahihiya din kasi ako eh.
~And you're slowly shaking fingertips
Show that you're scared like me
So let's pretend we're alone
And you know you may be scared
And you know we're unprepared
But I don't care
Tell me, tell me what makes you think that you are invisible
I can see it in your eyes that you're so sure
Please don't tell me that I'm the only one that's vulnerable
Impossible~
Pagkatapos kong kumanta nagpalakpakan yung mga tao. Nung napatingin naman ako kila Trish nakita kong nagthumbs up sila sakin. Ngumiti naman ako sa kanila at tumayo na sa kinauupuan ko. Pagkababa ko ng stage may lumapit saking isang teacher.
"Zyla right?" tumango naman ako at ngumiti. "You have such a very beautiful voice iha. Very calm ng boses mo. Para kang nagpapatulog ng bata."
"Salamat po." nakangiti ko pa ring sabi.
"Muntik na nga akong makatulog eh." biro ni ma'am. Natawa naman kaming dalawa.
"By the way, I'm Mrs. Fuentes. Head ng music and theater club. Kahit may iba ka nang club pwede ka pa ring sumama sa club ko though bawal yun. Akong bahala sayo "
"T-talaga po? Tanggap na po ako sa music club?"
"Oo naman. By just listening to your voice I fell like I'm in a very peaceful and solemn place. At ang mga kagaya mo na may talent dapat prinaprarorities noh."
"Nako maraming maraming salamat po. Salamat po talaga. Actually sa music club ko po talaga gustong sumali. Kayalang po hindi pa ako nakakapag-inform kung paano sumali. Salamat po talaga."
"Oh, I'm glad na ang club ang napili mo. Kung may mga kailangan o gusto ka pang malaman pumunta ka lang sa may faculty. Ako din naman ang magpapaliwanag sayo ng mga kailangan mong malaman."
Nagthank you naman ako kay ma'am at pagkatapos nun ay umalis na rin sya dahil may meeting pa daw sila. Pumunta naman na ako sa upuan ko at nanuod na ulit sa iba pang nagpeperform.
(Lunch Break)
"Uy sis! Ang galing mo talagang kumanta. Kinabog mo pa si sarah geronimo sa performance mo kanina. Nga-nga ang reaksyon ng mga students at teachers na nandun kanina."
