Annoying 6
(Justine's POV)
"What are you doing here? Sino ang nagsabing pwede kang pumasok dito?" salubong ko kaagad as Kenya. She's not a student here. Paano sya nakapasok dito? Arghhh! Humanda sakin yung mga guards. Patay sila sakin mamaya.
"Justine, don't you remember? We're celebrating our first monthsary today. And you promised me na we'll go on a date." she said while clinging in my right arm.
Wait, what did she said? Arghh! This girl is very annoying! Kung hindi lang kasalanan ang pananakit sa babae kanina ko pa to sinipa papuntang Jupiter. And again, the students here in cafeteria are starting to murmur. Kanina pa sila nagbubulungan pero this time I'm pretty sure that's it about me and Ria.
"What? First monthsary? Tayo?" tanong ko sa kanya sabay tawa ng napalakas. Nakakatawa naman kasi yung sinabi nya eh.
Bwaahahaha. Grabe! Sa uong buhay ko ngayon lang ulit ako tumaya ng ganito.
"What's funny? Why are you laughing?" takang tanong nya.
"Hahahaha. Nakakatawa naman kasi yung joke mo eh. Hahaha." hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa ko. Okay. I know I look kinda crazy because I'm the only one who's laughing but I can't help it. Sa lahat ng nakalandian ko sya lang ang bukod tanging nagclaim na naging kami.
"A-anong joke? Wala naman akong sinasabing joke ah?" naguguluhan na sya.
"Anong wala? Sabi mo TAYO and today is our FIRST MONTHSARY. Yun ang joke. Grabe! Ikaw pa lang ang nakapagpatawa sakin ng ganito." tawa pa rin ako ng tawa. Feeling ko naguguluhan na rin yung ibang tao sa loob ng cafeteria. Halata kasi sa mukha nila eh.
"Stop laughing! That's not a joke. It's true. Monthsary natin ngayon at isang buwan na tayong may relasyon kaya pwede ba wag kang magdeny na hindi mo alam yung tungkol satin." napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya. Ako pa talaga ang nagdedeny? Ang kapal. At dahil matagal na akong nagtitimpi sa babaeng to humarap na ako sa kanya with a serious face.
"Pwede ba tigilan mo ako Ria! Unang-una pa lang sinabi ko na sayo na fling lang ang meron satin at pumayag ka. Walang namuong relasyon sa pagitan natin kaya wag kang magsinungaling na naging tayo. Maayos ang naging usapan natin nung gabing yun kaya umayos ka rin sa pag-asta mo. Pangalawa pag ako nangako tinutupad ko. Nangako ako sayong magdedate tayo? Kelan ko sinabi yun? Wala akong natatandaan na nangako ako sayo kaya wala akong dapat tuparin sayo." tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Hindi ko pinansin kung masasaktan sya sa mga sinabi ko. Who cares? Sya naman ang nagpumilit sakin sabihin yun eh. I'm just telling the truth.
"N-no! Justine tell me it's not true! Hindi totoo lahat ng sinabi mo diba? You love me right? Sabi mo mahal mo ako diba? Please wag mong gawin sakin to." nagsimula nang mangilid yung luha nya. Tss. Ang arte.
"Kung wala ka nang sasabihin pwede ka nang umalis. Nakakasira ka lang sa view ng school. Huwag mong hintaying kaladkarin ka ng mga guards." I said then stormed out of the cafeteria. Nakakabwisit talaga yung babang yun. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa kanya na hanggang flings lang ako. Hindi na ako magmamahal ulit. Ayoko nang masakatan ulit.
Nagdiretso ako sa may mini park para panuorin yung mga lumalangoy na isda sa pond. Ang sarap kasi nilang tingnan. Nakakawala ng bv. Ang tahimik ng buhay nila. Walang awayan, sakitan, at walang prinoproblema. Very peaceful ng pamumuhay nila unlike sa mga tao na walang ginawa kundi ang magsagutan, mag-awayan, magsakitan at magsigawan. Minsan nga iniisip ko na sana naging isda na lang ako eh. Para katulad nila tahimik lang din ang buhay ko. Pero on second thought, wag na lang pala. Mababawasan kasi ang mga gwapong nilalang sa mundo. xD