Annoying 4

31 4 1
                                        

Annoying 4

"Uy Zy! Dali na magkwento ka tungkol sa nangyari kahapon. Kanina mo pa kami binibitin eh. Si Justine daw yung kasama mo? Saan naman kayo nagpunta at mukhang ginabi kayo?" kanina pa ako kinukulit nila Trish na magkwento about sa nangyari kahapon.

"Wait, may narinig ako kahapon na sa EK daw kayo nagpunta. Is that true?" tanong din ni Fritz.

I nodded then sighed.

"TALAGA?!!!" arghh! Kung makasigaw naman tong si Fritz.

"So anong nangayari? Nag-enjoy ka ba? Mabait ba sya? Masaya ba yung lakad nyo? Anu-ano mga sinakyan nyong rides?" sunod-sunod na tanong ni Fritz.

"Hay nako Fritz sinabi mo pa. Enjoy talaga yan no. Ikaw ba naman ang makapunta sa EK kasama ang isang napakagwapong nilalang ewan ko na lang kung hindi ka magenjoy." singit naman ni Trish.

"Buti ka pa Zyla gwapo ang nakadate mo!" nalulungkot na sabi ni Fritz.

"Anong date pinagsasasabi mo? Hindi yun date noh!" kung alam nyo lang ang lungkot na naramdaman ko kahapon kasama yung lalaking yun. "Tsaka hoy Fritz kailan ka pa naging ganyan magsalita? Okay ka lang ba? May nakain ka bang kakaiba o nanaginip lang ako?" ako maman ang nagtanong sa kanya.

"Zy, wag mo nga akong sagutin ng tanong. Ikaw nga ang tinanong ko diba? Ano tanungan nalang tayo?" pangbabara ni Fritz

Seriously, what happened to Fritz? Hindi naman sya ganyan kahapon ah. Hindi sya ganya magsalita, makipag-usap, at hindi mataray. Pero bakit ganyan ang inaasta nya ngayon?

Lumingon naman ako kay Trish na may "what-happened-to-Fritz" look.

"Mamaya ko na lang ikwekwento sayo yun sis! Ikaw muna ang magsimula." sagot naman nya. Psh. Excited talaga sila sa kwento ko?

Nagkwento na nga ako sa kanila kung anong nangyari kahapon. Kwinento ko din kung anu-anong mga rides ang nasakyan namin. Hindi naman sila nagsasalita o nagreact sa kwinento ko.

"Nayaya mo syang sumakay sa lahat ng mga rides?!" tanong ni Trish na nakatayo at nakatakip yung bibig na parang nagulat.

"Ang oa naman ng reaksyon mo. Oo naman nayaya ko sya. Parang yayayain lang eh." sagot ko habang nakatingin sa isang grupo ng mga estudyante na nagpipicturan.

"Ang pagkakaalam ko masungit daw yun eh, laging nakasimangot, mataray. So paano mo sya napapayag na kaladkarin mo lang sya ng ganun?" tanong ulit ni Fritz.

*flashback*

“Hoy, pwede ba wag mo akong kaladkarin. Kanina ka pa ah!” sita sakin ni Mr. KJ.

“Eh ang kj-kj mo kasi eh. Nagpunta nga tayo ditto para makasakay sa mga rides diba? Tapos aayaw-ayaw ka naman” sagot ko.

“Eh sino bang may sabing gusto kong makapunta dito?” sagot nya.

“Eh kung ayaw mo eh disananagpatalo ka na lang sa game kanina.” Nakakainis. Ang sabi ko dati pag nakapunta ako saEnchantedKingdomako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Oo. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Pero yung kaligayahan na yon ay hindi natupad dahil sa lalaking to.

“Sige, ganito na lang, jack en poy tayo. At kung sino ang mananalo sya ang masusunod. Pag ikaw nanalo payag na akong magpakaladkad sayo. Pero pag ako, uuwi na tayo!” sabi pa nya.

“DEAL.” kahit labag sa looob ko yungplanonya pumayag na rin ako. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.

“Jack en poy!” sabi naming sabi. Ang resulta???

Bato sya. Papel ako. Ako ang nanalo kaya ako ang nasunod. J

*end of flashback*

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon