Annoying 10

22 4 0
                                    

Annoying 10

"Argghh!! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis talaga yung lalaking yun!!! Bwisit talaga sya sa buhay ko!!!" pinagsusuntok ko naman yung teddy bear na nasa harap ko ngayon.

"Zyla kawawa naman yung bear mo. Minamaltrato mo. Gusto mo makulong ka dahil sa child abuse."

"Ano ba kasi ang kinakainis mo ah? Dahil ba dun sa nangayari sa inyo ni Justine?"

"Wag na wag mong mababanggit yung pangalan ng lalaking!" sigaw ko naman sa kanya.

"Whoah! Easy lang Zyla! Baka mamaya atakihin ka pa sa puso dyan sa sobrang galit mo kay Justine---"

"Sabi nang wag nyo na ulit babanggitin yung pangalan nunh lalaking yun eh."

"Sorry naman. Kalimutan mo na lang kasi yung nangyari."

"Kalimutan? Paano ko yun makakalimutan ha? Alam nyo naman kung gaano ko inalaagaan yun diba? First kiss ko yun eh. First kiss. Tapos mapupunta lang sa bwisit na lalaking yun?" pinagsusuntok ko nanaman yung teddy bear  hawak ko.

"Zyla alam naman namin yun eh. Kayalang kahit naman magalit ka dun sa kay Jus-- este kay... Kay pogi kalimutan mo na lang yun. Hindi na rin naman yun mababawi eh. Aksidente lang naman yun diba? Hindi nyo naman ginusto kaya mas maganda kung kakalimutan nyo na lang."

"Ang intindihin mo na lang ngayon ay kung sino yung nagpapadala sayo ng mga teddy bears at pancake tuwing umaga noh."

Five days na nga nakakalipas nung mawala sakin yung first kiss ko kayalang hindi ko pa rin yun makalimutan. Magiging masaya sana ako kung sa karapat-dapat na lalaki yun mapupunta eh. Kaso sa walang kwentang lalaki na yun. Inalagaan ko yun ng mahigit 17 years tapos mawawala lang ng basta-basta.

Speaking of teddy bears and pancake, three days na akong nakakatanggap ng mga yun mula kay mystery guy. Ewan ko ba kung sino sya at araw-araw nya akong pinapadalhan ng pancake and teddy bears sa classroom namin. Free delivery pa talaga. Kaya tuloy yung mga kaklase namin inaasar ako na may manliligaw na daw ako. Tinatawanan ko na lang sila. Kung manliligaw nga sya sakin edi sana nagpapakita sya sakin, hindi yung nagpapadala lang sya ng kung anu-ano.

Si Mr. Bwisit? Ewan ko ba kung ano ang nakain nun at naging mabait samin especially sakin. Kinikilabutan nga ako sa kanya everytime na ngingitian nya ko. Para kasing may masama syang balak eh. Para ngang wala lang sa kanya yung accident kiss namin. Well, bakit nga naman nya proproblemahin yun eh I'm sure sanay nanaman sya sa mga ganung bagay.

"Speaking of the devil." nasabi ko ng makitang paparating yung bwisit na yun kasama sila Zeke. Hindi talaga sila mapaghiwalay. Laging magkakasama para kaming tatlo nila Trish.

"Hi girls!" bati ni Terrence samin.

"Excuse me lang ah, may gagawin pa kasi ako eh." tumayo na ako at naglakad paalis ng biglang magtanong si Justine.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa impyerno sama ka?" I told him with sarcasm.

"Oo ba! Basta ba nandun ka eh." sagot nya sabay tawa. Nangasar naman tuloy yung apat samin.

"Uy!!! Namumula! Kilig ka noh?" sabi nya pa sabay akbay sakin.

Inalis ko naman yung kamay nya sa balikat ko,  "Pwede ba, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"

"Kunwari ka pa. Kinikilig ka lang eh."

"Para kiligin? Hoy para sabihin ko sayo kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo."

"Eh saan ba kasi tayo pupunta?"

"Anong tayo? Ako lang ang aalis. Maiwan ka dito sa kanila."

"Iiwan mo ako? Tingnan mo naman oh, may mga kanya-kanya silang partner tapos ako mag-isa lang. Kawawa naman ako."

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon