Annoying 3
(Zyla's POV)
Nandito kami sa may gym ng school ngayon. May gagawin daw kaming sporty game. Magkahiwalay ang girls and boys. Volleyball ang lalaruin ng girls while basketball naman ang sa mga boys. Kung sino daw ang mananalo o makakakuha ng mataas na score ay may matatanggap ma prize.
Ewan ko ba! Sa lahat ata ng college schools dito sa Pilipinas eto lang ang tanging nagpapalaro sa second day ng pasok. Pero okay na rin, atleast ligtas sa lecture. =_="
"Congrats Zyla! Ikaw ang nanalo sa volleyball game. You can claim your prize later sa may faculty." nakangiting sabi ni Mrs. Ocampo.
Yep, ako nga ang nanalo sa game namin kanina. Pano? Bakit? Isa lang ang dahilan, favorite ko kasing sport ang volleyball. I'm the captain ball of our school's volleyball varsity nung highschool kaya naman sanay na akong magspike ng bola.
"Salamat po." nakangiti ko ring sabi.
After ng game nagpahinga lang kami saglit sa may gym. Nakakapagod kasi yung laro eh. Ilang minutes lang may dumating na classmate namin, "Zyla, pwede ka na daw pumunta sa may faculty room para sa prize mo sabi ni ma'am."
"Ah sige. Salamat." tumayo na ako para pumunta sa faculty. Nagpaalam na din ako kila Trish at ang sabi lang nila sakin ay magenjoy daw ako.
Pagdating ko sa may faculty may nakita akong pamilyar na lalaki. Nakaupo sya sa may isang gilid at may hawak na laptop. Tama! Hindi ako nagkakamali, sya yung mayabang na lalaking nakabanggaan ko kahapon sa may corridor. Sya yung lalaking nakatapon sakin ng juice. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito? Hmmm, siguro nakikiwifi lang.
"Oh Zyla, nandito ka na pala. Take a seat first. I'll just get your ticket sa may office." nagulat naman ako dahil bigla-bigla na lang sumusulpot si Mrs. Ocampo.
"Ahmm, okay po." sagot ko kay ma'am. Wait, ticket?Parasaan naman kata yun? Dahil mukhang matatagalan si ma'am sa pagkuha napagpasyahan kong maupo muna sa bakanteng upuan na hindi naman kalayuan kay Mr. Yabang.
Ilang saglit pa at dumating na rin si Mrs. Ocampo.
"Sorry for waiting guys. By the way here's your prize. A ride-all-you-can entrance ticket inEnchantedKingdom. Dahil nanalo kayo sa game kanina excuse na kayong dalawa sa klase nyo ngayon. Nasa may parking lot na yung van na maghahatid sa inyo papunta dun. Hanggang 7pm lang kayo sa EK dahil baka gabihin kayo. Kaya naman mag-ayos na kayo. Enjoy your prize!" mahaba pero masayang paliwanag ni Mrs. Ocampo. Teka, bakit samin ni Mr. Yabang pinaliwanag? Ibig sabihin???
Ride all you can sa EK kasama ang lalaking to? Pwede bang magback out?
"Hoy! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Bilisan mo nang maglakad." sabi ni Mr. Yabang. Hindi ko napansin na naglalakad na pala sya. Medyo malayo na rin sya sakin.
"Oo na! Eto na maglalakad na! Excited masyado?" sarkastik kong sagot sa kanya.
"Hindi ako excited. Ayoko lang nasasayang yung oras ko sa mga walang kwentang bagay." sagot nya na diretso lang sa paglalakad.
Buong byahe hindi kami nagpapansinan. Bakit naman diba? Hindi naman kami close para magpansinan. Nakinig lang ako sa iPod ko habang sya ay naglalaro ng kung ano sa laptop nya. Hindi kaya sya nahihilo? Well, pakialam ko naman diba? Psh.
----
"Nandito na po tayo." sabi ni manong driver. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Ang bilis kasi ng byahe eh. Walang traffic.
Bumaba na kami ni yabang sa van. Grabe! Ang ganda pala talaga dito sa EK. Sobrang laki. Nasa labas pa lang kami nakikita ko ma yung ibang rides nila. Yung ferris wheel na sobrang taas at yung roller coaster na pinakapaborito ko sa lahat ng theme park.