Annoying 12

9 3 0
                                    

"Flour magpakita ka nanaman na oh!" nalibot ko na ata yung buong section ng mga baking ingredients pero hindi ko pa rin makita yung harina. Asan na ba kasi yun? 

"Bakit ba kasi kailangan pa ng harina? May magbebake ba?" 

"Obvious ba?" 

"Marunong ka ba naman bang magbake? Baka mamaya hindi masarap yunf iluluto mo." 

"Bakit sinabi ko bang ako yung magbebake." 

"Eh kung hindi ikaw sino?" 

"Si trish." 

"Marunong magbake si trish?" napasapo naman ako ng ulo ko. Hay... bakit ba kasi kailangan pang maghiwa-hiwalay sa paghahanap ng mga ingredients eh ganun din naman yung oras na gugugulin. Mas napapatagal pa nga eh. At ang masaklap pa sa lalaking to ako napasama. Sana mag-isa na lang akong naghanap para mas mabilis at walang makulit. 

"Dapat kasi sila na lang ang namili at naiwam na lang tayo sa bahay para nakapagbonding tayo." rinig kong bulong nya. 

After 45 years nahanap na din namin yung harina. Nandito lang pala sa may tabi ni Justine nakalagay. Hindi kasi naghahanap tong kasama ko eh. Buti na lang at maaga-aga pa. 

Pagkatapos naming mamili umuwi na agad kami para makapagluto na kami. Dinivide ulit namin yung mga gawain para mas mapadali. Yung mga boys mag-iihaw, si trish sa dessert, si fritz sa drinks and table at syempre ako sa main course. Oh diba ang hirap ng gagawin ko. Ang dami kong kailangang lutuin. Sana lang matapos ko to lahat. 

"Want help?" 

"Ay pechay! Ano ba! Wag ka ngang manggulat dyan. Bakit ka ba nandito? Dun ka na kila Zeke." pagtataboy ko sa kanya. 

"Ayoko dun wala naman silang pinapagawa sakin eh. Dito na lang ako para matulungan kita." 

"No thanks. I can handle. Bumalik ka na lang dun." 

"No I insist. Tingnan mo nga oh ang dami mo pang kailangan gawin. Ikaw ang mas nangangailangan ng tulong baka hindi mo yan matapos." kinuha naman nya yung binabalatan kong carrots at sya na anh nagtuloy nun. Wala naman akong nagawa dahil ayaw ma nyang umalis. Tiningnan ko naman yung niluluto ko at baka masunog. 

Napatingin naman ako kay Justine habang nagbabalat pa rin sya. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung bakit biglang bumait sakin tong isang to. Kahit lagi ko pa rin syang sinisigawan at inaaway okay pa rin sa kanya. Hindi na nya ako sinusungitan. Para tuloy ang sama-sama ko. 

"Mamaya tunaw na ako." nakangiti nyang sabi sabay tingin sakin. Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya. 

"Wag ka nang umiwas ng tingin, huli na din naman kita eh. Okay lang naman sakin kahit titigan mo ako ng titigan. Hindi din naman kita masisi kung nagwagwapuhan ka sakin." 

"Hoy FYI, kahit kailan hindi ako nagwapuhan sayo no. Kung tutuusin nga mas gwapo pa sayo sila Zeke eh. Ang yabang mo talaga." totoo naman kasi eh. Hindi ko sya tinititigan dahil nagwagwapuhan ako sa kanya. Never mangyayari yun no. 

"Sus nahiya pang aminin." 

*RRRRIIINNGGGG* 

Hindi ko na sya nasagot pa dahil biglang nagring yung doorbell. Napatigil naman ako at napaisip... Hindi naman siguro sila mama yun diba? 

Papunta na sana ako sa may gate nanh harangin ako ni trish. 

"Opps girl ako na. Keri ko na ang pagbubukas ng gate. Ituloy mo na lang ang pagluluto mo." 

Bumalik naman ako sa may kusina para ipagpatuloy yung pagluluto ko. Buti na lang ar malapit-lapit na rin akong matapos. 

"Hmm.. ang bango naman." boses ng lalaki galing sa likod ko pero hindi kay Justine. Kay... 

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon