Annoying 8
(Trish’s POV)
Oh shetz! OMG! Late na koooo!!! Kailanagan ko nang umalis! Bwisit naman kasing damit yan eh. Kung kalian kailangan tsaka nawawala.
"Oy! Sige, aalis na ako ah. Babay!" mabilis kong sabi sa kanila pagkababa ko pa lang ng hadgan. Nagmamadali akong lumabas ng gate. Narinig ko pang sumigaw si Zyla pero hinayaan ko na lang sya. Next time na lang ako babawi sa kanya.
Pag sinuswerte ka nga naman oh. Pagkalabas ko ng gate saktong may dadaan na taxi kaya naman pinara ko na agad to. Pagkasakay ko naman ay bigla na ding umaandar si manong. Buti na lang alam nya yung pupuntahan ko. May iba kasing driver naturingang driver hindi naman alam kung saan yung sinasabi ng pasehero.
“Manog, pakibilisan naman po oh. Nagmamadali lang po kasi talaga ako eh.” pagmamakaawa k okay manong driver.
“Nako. Sorry po ma’am, traffic po kasi eh.” Sagot ni manong.
Hay. Pag nga naman minamalas ka. Kung kanina swerte, ngayon naman malas na. Tumingin naman ako sa bintana at nakita kong medyo matatagalan yung traffic.
Hindi ako mapakaling tingin ng tingin sa orasan ko. Fiftee minutes na lang kasi 4:00 pm na. Halos 45 miutes na akong late. Sana naman hindi sya magalit sakin pagdating ko dun. Nako pag nagalit talaga sya sakin maglalaslas ako. -.-“
Ilang saglit pa at umadar na rin yung taxi. Sa wakas nakarating din ako sa pupuntahan ko. Pagkababa ko agad akong tumakbo papunta sa meeting place naming. Pinagtitinginan nga ako ng mga tao eh especially the guys. Well, sana naman na ako.
Dahil parang nawawalan ako ng poise sa ginagawa kong pagtakbo napagpasyahan kong maglakad na lang. Ang sakit din kasi sa paa ng heels ko. Hinahangin pa yung dress ko.
“Ecxuse me miss, nagmamadali ka ba?” napahinto naman ako ng may humarang saking tatlong lalaki. Oh wait, kulang. Tatlong GWAPONG mga lalaki.
“Kung hindi would you like to have a coffee with us? Saglit lang naman eh.” sabi nung isa sabay ngiti. Oh shemay! Bakit kailangan palibutan ako ng mga nagwagwapuhang kalalakihan?
“Ahmm, gusto ko rin sanang magcoffee kasama nyo kaso you see naman diba, I’m in a hurry eh. Late na kasi ako sa date ko.” sagot ko sa kanila na syempre nagpapacute. Bigla naming nawala yung mga ngiti nila.
“Sige, una na ako ah.” I smiled to them at naglakad na ulit.
Yeah, may DATE ako ngayon. Yun ang dahilan kung bakit kanina pa ako nagmamadali. Akala nyo kung anon a noh? Well, masanay na kayo sakin dahil ganito talaga ako. Mahilig makipagflirt sa guys. Wala akong sineseryoso pagdating sa love. Ayoko kasing matulad kay Fritz eh.
Malayo pa lang ako sa meeting place namin natatanaw ko na agad yung kadate ko. Grabe! Kahit nakatalikod sya ang gwapo gwapo pa rin nya. Oh, inuliy ko yung gwapo ah. Ibig sabihin mas gwapo dun sa tatlo kanina.
Pinagmamasdan ko lang sya. Hindi pa ako lumalapit sa Kenya kasi nahihiya ako eh. Actually, iniisip ko rin bakit ako nagkakaganito pagdating sa kanya eh. Though kapag nakikipagdate ako sa iba okay lang sakin kahit malate ako ng 3 oras. Minsan pa nga hindi ko sinisipot eh. -.-
Papalapit na sana ako sa kanya ng biglang may lumapit sa kanyang isang babae at yumakap sa braso nya. Ay sgdsfsjfsjdgsfdshfgsjdgfsjgf naman oh. Bwisit na babae yun ah. Inunahan ako. Sino sya sa akala nya para yakapina ang braso ng boyfriend ko—este ng kadate ko? Nako. Mukhang may matatarayan ako ngayon ah.
“Ahmm, excuse me.” Dumaan ako sa gitna nilang dalawa. Syempre napaghiwalay ko silang dalawa.
“What the--- Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” sigaw nya sakin.