Annoying 11

11 3 0
                                    

Annoying 11

~Hey girl I'm waiting on ya

I'm waiting on ya

Come on and let me see you out

And have a celebration

A celebration

The music up the windows down

Yeah, we'll be doing what we're doing

Just pretending what we're doing

And we know it too

Yeah, we'll be doing what we're doing

Just pretending what we're doing

So tonight~

"Arghh! Ang ingay naman!!!" tinakip ko yung unan ko sa may tenga ko para mawala yung ingay.

~Let's go crazy, crazy, crazy till we see the sun

I know we only met but let's pretend it's love

And never, never, never stop for anyone

Tonight let's get some

And live while were young~

"Ano ba! Inaantok pa ako. Ang ingay mo naman!" inabot ko yung alarm clock ko sa may side table ko at pinindot yung botton sa likod para tumigil na yung alarm pero ayaw pa rin. Dahil sa antok pa talaga ako at ayaw ko pang gumising eh binato ko nalang yung alarm clock ko para matapos na talaga yung alarm. Maya-maya pa tumigil na din yung tugtog. Pumikit naman na ulit ako para bumalik sa mahimbing na pagkakatulog ng bigla ulit tumunog yung kanta.

"Arghh!! Ano ba kasi yung tumutunog na yun? Bakit ayaw tumigil? Inaantok pa ako!!!" bigla ko naman napansin yung cellphone ko sa tabi ng unan ko.

Aish!!! Wala nga palang alarm yung orasan ko! Yung cellphone ko lang pala yung kanina pang tumutugtog. Kinuha ko naman ito at tiningnan kung sino yung tumatawag.

*Calling*

Unregistered number

Unregistered number? Sino naman kaya to? Baka wrong number. Pinindot ko na yung answer button para sagutin yung kanina pang tumatawag.

"Hello?"

"Good morning sleepy head!" sagot nung kausap ko. T-teka, si Justine to ah! Paano nya nalaman yung number ko?

"Kanino mo nakuha number ko?" sigaw ko.

"Ang aga-aga nakasigaw ka. Di ba may kasunduan tayo na hindi mo na ulit ako sisigawan."

"Expire na yung kasunduan natin na yun no. Sagutin mo muna yung tanong ko. Saan mo nakuha yung number ko?"

"Relax lang. Parang number lang eh. Kanino pa ba, sa mga kaibigan mo syempre!"

Sabi na eh, sila Trish nanaman ang salarin! Naku masesermunan ko nanaman yung dalawang yun mamaya.

"Ang tagal mo ngang sagutin yung tawag ko. Kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo eh."

"Sana nga hindi ko na lang sinagot eh. Ikaw lang pala yung umiistorbo sa tulog ko. Bwisit."

"Anong oras ka na ba kasi natulog kagabi ah? Nagpuyat ka ba?"

"Wala ka na dun." ano naman pake nya kung nagpuyat ako kagabi.

"Siguro iniisip mo ako no?"

"In your dreams!"

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon