Annoying 7

17 4 0
                                    

Annoying 7

Buong  byahe ay nakinig lang ako ng music sa iPod ko. Tuwing wala kasi akong ginagawa ay  nakikinig lang talaga ako ng music. Hilig ko kasi talaga yun eh. Kahit saan ako magpunta dala-dala ko lagi tong iPod ko. Hindi ko to iniiwan kahit saan ako magpunta.

Dahil napurnada ang pagpunta ko kaninang umaga sa mall ngayon ko na lang ipagpapatuloy. Buti na lang hindi pumasok yung prof namin kaya wala kaming klase ngayon. Halata bang atat ako masyadong pumunta sa mall? Kailangan ko kasing bumili ng dress para sa anniversary ng parents ko. Malapit na kasi yun eh (though mas malapit ag birthday ko na hindi ko pinaghahandaan) at gusto ko magmukha akong presentable sa mahalagang event nila. Hindi naman sa mukha akong hindi presentable no, what I mean is gusto kong... ahmm, hay! Ewan! Basta gusto ko maging maayos sa harapan nila. Big event nila yun eh. Hindi naman masyadong big. It's their 25th anniversary kasi eh kaya syempre mahalaga yun for them.

Pagkarating ko sa mall tumingin-tingin kaagad ako ng sa tingin ko ay bagay na dress sakin. Kayalang ilang stores na ang natitingnan ko wala pa rin akong makitaan ng bagay sakin eh. -.-" Ang sakit na rin ng paa ko kaya napasya akong maupo muna saglit para makapagpahinga.

Anubayan! Bakit wala pa rin akong makitang dress? Simple lang naman ang gusto ko eh pero bakit parang wala akong makita? Lahat kasi ng makita ko puro pang sosyal eh. Ayoko naming magsuot ng mga sosyaling damit. Hindi ko kasi peg si Trish eh.

Saan pa kaya pwedeng tumingin ng mga damit? Hmm.. kung sa tiangge na lang kaya? Mas marami pang magaganda. Tumayo na ako at inaayos ang sarili ko. Naglakad na ako papunta sa exit ng mall.

"Zyla?" nagulat naman ng biglang may tumawag sakin from my back. Lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng tawag at O.o ang reaksyon ko ng makita kung sino ang tumawag sakin.

"J-jake?!"

"Zyla!!!!"

Tumakbo naman sya papunta sakin at ganun din ako. Nung nag-abot kami ay nagyakap kami bigla at binuhat nya ako pataas at nagpaikot-ikot sya. Hinagin-hangin naman ang buhok ko na akala mo sobrang lakas ng hangin habang may tumutunog na "You are the one" bilang background music namin. Feeling namin nasa may tabing dalampasigan kami at ninanamnam ang kagandahan ng kapaligiran.

Uh-kay! Tama na ang ilusyon. Imagination lang lahat yun. Akala nyo yun ang nangyari noh? Hello! Nasa loob kami ng mall. May kahihiyan din naman ako sa katawan no. Tsaka hindi kami ganun magkita. Simpleng hug and beso lang ang nangyari and after nun nagkamustahan na kami.

"So kelan ka pa dumating?"

"Hmm, kahapon lang."

"Pasalubong ko? Hindi ka man lang nagpasabing uuwi ka na."

"Pasalubong? Nako. Nakalimutan ko yung pasalubong ko sayo? Ano nga ba ulit yun?"

"Hmmmp. Simpleng souvenir lang galing sa Jeju Island nakalimutan mo pa."

Ang daya-daya talaga nya. Pasalubong lang nakalimutan pa nya. Hindi na nga nya ako sinama eh tapos walang pang pasalunbong. Gustong-gusto ko pa man ding makapunta ng Korea. -.-

"Ah souvenir pala sa Jeju. Pasensya na ah, nakalimutan ko kasi talaga eh. Bayaan mo next time promise may souvenir ka na sakin."

"Next?! So ibig sabihin babalik ka pa ulit dun?!"

"Err... Hindi na ata."

Tuluyan naman nang nalukot yung mukha ko sa sinabi nya. Hmmp.

"Panext time next ka pa hindi ka rin pala babalik sa Korea." bulong ko.

"Ano? May sinasabi ka?"

"Wala. Ang sabi ko lang aalis ka ako. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Sige na. Babay. Nice to see you." nagsmile ako sa kanya pero syempre halatang pilit para mahalata nya na nagtatampo pa rin ako sa kanya.

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon