Annoying 5

33 4 1
                                    

Annoying 5

"Goooodmorrrningggg!!!" masayang bati ni Trish samin ni Fritz habang nag-aalmusal.

"Ang aga-aga ang ingay mo Trish!" nakatakip na tengang saway ni Fritz.

"Eh bakit ba sa excited ako eh. Kayo ba hindi?" pagtatanong nya samin sabay tingin sakin, "Ano naman ang itsurang yan Zy? Parang kang naagawan ng isang daang pancake dyan!" puna nya sakin. Hindi ko naman sya pinansin at tumuloy lang ako sa pagkain. Wala akong masyadong energy ngayon eh. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan para mamaya though wala namang dapat ikakaba.

"Oh, speaking of pancake, yan nanaman ang almusal?" umupo si Trish sa tabi ko.

"Oo yan nanaman ang almusal. May iba pa bang alam si Zyla lutuin bukod dyan?" nang-aasar nanaman si Fritz.

Ang yabang! Marunong naman akong magluto noh. Actually sa aming tatlo ako ang lagi nilang pinagluluto. Lagi nilang sinasabi hindi daw masarap pero laging ubos yung niluluto ko. Minsan nga hindi na nila ako tinitirhan eh. Kaya naman sa sobrang asar ko minsan sa kanila at dahil paborito ko ang pancake yun ang lagi kong hinahanda sa almusal. Purgang purga na nga daw sila eh. Natatawa na lang ako sa kanila dahil kahit ayaw nila napipilitan silang kainin. Tamad kasi.

After naming mag-almusal nagpunta na kami sa school. 30 minutes na lang kasi 8:00 na. Mamayang hapon ang klase namim so free kami ngayong umaga. Dapat pupunta kami sa mall ngayon dahil may bibilhin saba akong gamit pero dahil sa pesteng sulat na yon hindi kami natuloy.

Wala pa rin kaming idea sino ang nagpapapunta samin sa may park. Pagdating namin dun wala namang ibang tao. Nasa may kanya-kanyang klase na siguro sila. May tatlo namang lalaking nakaupo sa isang bench at mukhang may hinihintay. Hindi kaya kami yunh hinihintay nila?

"Wala namag ibang tao dito kung hindi yung tatlong yun? Sila kaya yung nagpapapunta satin dito?" sabi ni Fritz.

"Omg girls, mga boys sila!!! Let's go na! Baka mga gwapo sila at gustong magpakilala satin." alam nyo na siguro kung sino yung nagsabi nya.

Hinila naman nya kaagad kami ni Fritz papunta dun sa tatlo. Wala naman kaming magawa kung dibang magpakaladkad.

"Ummm, excuse me---"

"You're 15 minutes late. Siguro hindi kayo marunong magbasa no? Ang sabi ko sa sulat 8 am. Anong oras na? It's already 8:15." hindi na natuloy ni Trish yung sasabihin nya kasi biglang nagsalita yung lalaking yun.

"Wow ha! Parang fifteen minutes lang kami nalate makareact ka naman dyan. Kayo na nga tong may kailangan kayo pa tong may ganang magalit." sagot ni Trish. Alam nyo naman hindi to papaawat sa pagsagot.

"Late pa rin kayo. Ano bang meron sa inyong mga babae at ang bagal nyong kumilos? Mas mabagal pa kayo sa pagong." sabi nya ulit. Tumayo na sila at humarap samin.

"KAYO?!" hindi ko mapigilan mapasigaw.

"WHAT?" kahit kailan talaga tong lalaking to napakataray.

"Kayo yung nagpapunta samin dito?" medyo malakas pa rin ang boses ko.

Nakakainis!!! Napurnada yung lakad ko para lang makipagkita sa tatlong to? Arggh!!!

"Pwede ba! Tumigil ka sa kakasigaw mo. Hindi ako BINGI!" sigaw din nya at inemphasize pa talaga yunh salitang BINGI. "Tsaka hindi naman naming ginustong makasama nyo no." dagdag pa nya.

"Eh kung ayaw nyo pala bakit pinapunta nyo pa kami dito? Alam mo ba na ang dami ko pang mahahalagang bagay na gagawin pero dahil sa inyo napurnada?" sagot ko. Nakakainis. Bakit pa nila kami pinapunta?Para lang mang-inis at mang-asar?

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon