Annoying 13

24 3 0
                                    

(Fritz POV) 

"Fritz yung lamesa ayusin mo na." 

"Zeke yuna tarpaulin hindi naman pantay eh " 

"Terrence ano okay na ba yung niluluto mo?" kung makapagutos naman tong si Trish akala mo ang dami naming kamay. Makaaustos sabay-sabay, sunod-sunod samantalang sya wala namang ginagawa. 

"Nako bilisan natin baka mamaya dumating na sila tita." 

"Eh kung tumutulong ka kaya samin para mas mapabilis." sagot naman sa kanya ni Jake na wala ding magawa kung hindi ang sundin ang utos ni Trish 

"Ano ba tong ginagawa ko? Hindi ba pagtulong ang tawag dito? Buti nga at inuutusan ko kayo para alam nyo yung gagawin nyo eh." 

"Ang ganda naman ng tulong mo Trish. Sobrang helpful samin." 

"Syempre maganda ako eh." 

"Anong konek?" 

"Ewan ko." 

"Tss." natahimik naman si Jake sa sagutan nila ni Trish. Alam nya na rin naman sigurong hindi sya mananalo kahit kailan kay Trish. Well, matagal nanaman nyang alam yun pati kami. Wala talagang makakatalo sa katarayan ni Trish. Ewan ko nga ba kung bakit minsan pumapatol pa kami eh. Nababara tuloy kami. -___-" 

Naisip nyo siguro kung bakit ganun ang pakikipag-usap ni Trish kay Jake no? Walang galang o walang kuya, dalawang taon lang kasi ang tanda ni Jake kay Trish kaya kami Jake lang ang tawag sa kanya. 

Buong pag-aayos yata namin nagtatalo yung dalawa. Natatawa na lang kaming tatlo sa kanila. After ilang minutes natapos na rin kami sa lahat. Sa pag-aayos, pagpapaganda ng dining area at pagluluto. Buti na lang at magaling magluto si Zeke at naagapan nya yung malapit nang masunog na niluluto ni Zyla. 

After maayos ang lahat tiningnan namin yung buong area. Napawow naman kami sa creation namin. As in super perfect para sa family dinner. Oh, walang kokontra kung perfect yung description ko ah. Perfect naman kasi talaga eh. Kahit tingnan nyo pa. Punta kayo dito sa bahay. Invited din kayo. I'm sure mapapawow din kayo pag nakita nyo yung make-over na ginawa namin. xD 

Pinicturan pa nga namin yung place para naman may remembrance kami. After namin magpicture taking nagtext naman kami kay Zyla kung nasaan na sila. Sinabi rin namin sa kanya na ayos na ang lahat at wala na syang dapat intindihin. Nakakailang send na kami sa kanya pero hindi sya nagrereply. Trinay din namin tawagan sya pero cannot be reach. Wala tuloy kaming clue kung nasaan na sila. 

"Ano ba yang si Zyla ayaw man lang sumagot para alam natin kung parating na sila o hindi pa. Nakakainip nang maghintay ah." pagmamaktol ni Trish. Halata rin ang pagkainip sa mukha nya. Kahit kelan talaga ang reklamador nya 

"Relax lang Trish. Baka magbobonding pa sila ng parents nya dun kaya hindi sya nakakareply." sabi naman nya kay Trish at tumabi sa kinauupuan nya. 

"Hoy hoy! Lalaking hindi ko pa rin kilala hanggang ngayon, umalis ka nga sa tabi ng kapatid ko." kakaupo pa lang ni Terrence pero sinermunan na kaagad sya ni Jake. 

Tatayo na sana at aalis sa tabi ni Trish si Terrence nang pigilan naman sya nito, "Okay lang, wag ka nang umalis. Wag mo na lang pansinin si Jake." she glared at him then rolled her eyes. Akala mo talaga magkabarkada lang silang dalawa kung magturingan eh. 

Bigla naman kaming nakarinig ng bukas ng gate. Dumungaw naman kami sa bintana para tingnan kung sino yung dumating. 

"Oh my!!! Nandyan na sila tita! Tara salubungin na natin sila!!!" excited na tili ni Trish with matching patalon-talon effect pa. Papunta na sana sya sa may pintuan nang pigilan sya ni Jake. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Annoying Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon