Annoying 2
"Hoy sis! What's with your face? Anong nangyari sayo? At bakit hindi ka nagpunta sa cafeteria kanina? Halos mamuti na yung mata namin kakahintay sayo hindi ka dumating." pagtatanong ni Trish.
"Oo nga! Tsaka bakit iba na yung damit mo? May mangyari bang hindi namin alam?" tanong din ni Fritz.
Nagbuntong hininga lang ako bago sumagot, "Hay nako. Mamaya ko na lang ikwekwento sa inyo yung nangayari."
Sa totoo lang gutom ako ngayon eh. Hindi kasi ako nakakain kahit ano man lang after nung nangyari kanina. Nagpalit na kasi agad ako ng damit sa cr. Ang dami palang estudyante dun, may pila pa talaga kaya naman medyo natagalan ako. Paglabas ko ng cr bigla nang tumunog yung bell kaya dumiretso na ako sa room.
After ng klase namin nagyaya akong magpunta sa malapit na pancake restaurant. Meron kasi ditong malapit na ganun eh. Pumayag naman sila dahil excited na silang marinig yung nangyari sakin kanina.
Mga babaeng to talaga ang hilig sa chismis.
Habang naghihintay ng order namin kwinento ko na sa kanila ang nangyari. Halata naman na nagulat sila sa kwento ko.
"Grabe sis! Sinagot mo sya ng ganon? Bongga ka talaga!" tuwang-tuwang sabi ni Trish.
"Oo nga Zy! Akala ko ayaw mo sa away eh. Yun pala may mga pinipili ka lang kalabanin." sabi ni Fritz.
"Hindi ko naman dapat sya sasagutin ng ganun kung hindi sya mayabang eh. Kung nagsorry lang sya sakin ng maayos at malumanay eh disanahindi ko na sya sinigawan at sinagot ng ganun." sagot ko habang nilalaro yung pancake na inorder ko.
Kapag naaalala ko talaga yung nangyari kanina bumabalik yung pagkainis ko eh. Ewan ko kung anong meron sa lalaking yun at sobra ang pagkainis ko sa kanya.Parakasing may kakaiba eh, pero hindi ko naman alam kung ano. >.<
Pagkatapos naming maubos yung mga inorder namin umuwi na din kami agad.
Iisa lang ang bahay na tinutuluyan naming tatlo.Paranga naman makatipid, nagkasundo-sundo ang mga magulang namin na ibili kami ng isang bahay sa isang village na malapit sa school namin. Since super close naman kaming tatlo pumayag na rin kami. Kaya ayun, magkakasama kami lagi sa lahat ng lakad.
Nagdiretso na agad ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain ng dinner. Iniwan ko sila Fritz sa may sala. Nakakastress kasi masyado tong araw na to. Idagdag mo pa yung nakakaasar na lalaking yun.
----
<<Justine Lance's POV>>
Pagkababa pa lang namin sa koyse dinumog na agad kami ng mga obssess naming fans. Sorry for the term ah. Totoo naman kasi eh. They're obssess with us. Lahat nalang ng ginagawa at tungkol samin alam nila. Pati ang mga past relationships namin alam na alam nila. Mas kilala pa nga ata nila kami kesa sa mga sarili nila.
As usual maririnig mo nanaman ang mga nakakabasag eardrum nilang tilian.
"KYAAAHHH! ANG GWAGWAPO NYO TALAGA!"
"JUSTINEEEEEE! AKIN KA NA LANG PLEASE!!!"
"AKO NA LANG ANG PAKASALAN MO TERRENCE!"
Grabe! Honestly, kelan ba sila titigil sa kakaganyan. Halos araw-araw na lang ganyan ang maririnig at makikita mo. Nakakasawa na.
"Good morning girls!" bati naman ni Terrence sa mga babaeng to. Hayst. Kahit kelan talaga tong lalaking to napakaplayboy. Lalo naman tuloy lumakas ang sigawan.
"Girls, stop muna ah. Mamaya na lang ulit. Malapit nang magtime oh! Baka malate tayo!" sabi naman ni Zeke.
Lumakad na kami palayo sa kanila. Hindi naman sila sumunod dahil alam nila kung saan kami pupunta. Pero kahit palayo na kami sa kanila tuloy pa rin sila sa pagsigaw.
