TW: Blood/Sensitive words
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, akmang tatayo ako nang maramdaman ko ang higpit ng yakap na nanggagaling sa likod ko. Saglit kong binalingan ang katabi ko at nakita si Paulo na mahimbing ang tulog. Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa kanyang mata, ilong at bibig.
You're my home, please understand me why I did this.
Hinalikan ko siya sa labi, unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap niya at umalis upang magluto ng agahan, naghanda ako ng spring onions at itlog, nagluto din ako ng mushroom soup. Nagpadala kasi si tita Pia ng fresh at iba't-ibang klase ng mushrooms noong isang araw, kakauwi niya lang galing Greece.
I prepared our breakfast and went upstairs to check him if he's still sleeping, surprisingly, he's still asleep. So I didn't wake him up, instead I went outside to see Mikayla. I know her passcode so I don't need to knock nor do rang her doorbell. I want to surprise her, but i guess, I am the one who got surprise.
The Ty is here. What? is he going to live here and make my bestfriend his kalive-in partner?
"Oh goodness gracious... what is this? huh?" gulat kong tanong nang maabutan ang dalawa sa kusina at kumakain ng ramen, Josiah's face made me grimaced, yuck, nasa ere pa ang chopsticks na may noodles. He's blinking fast slapping her cheeks.
What? is he thinking that he's dreaming? what a good morning for me. Tinaasan ko ng kilay si Mikayla na nakakagat labi.
"A-actually... kadarating lang niya, LaYna... kanina l-lang!" she stuttered while explaining, pinalo pa niya si Josiah kaya napatayo ang binata, napaso pa siya sa ramen, kasi mainit?
Tinignan ko ang relo ko at tumaas ang kilay ng alas sais pasado palang ng umaga. Napatingin ako sa dalawa habang nakakrus ang mga braso. Tinatapik tapik kopa ang daliri ko hinihintay ang sagot ng dalawa. Kinuha ni Josiah ang mga gamit niya.
"aalis na nga ako, Lavigne, e. Napadaan lang, una na ako--"
"Aga mo naman palang bumisita 'no? alas sais ng umaga? galing...." Patango tango kong sabi at humalakhak, naglakad ako patungo sa dining area at sumimsim ng iced coffee ni Mikayla.
Josiah sighed. "Fine! dito ako natulog. Sorry na, Lavigne.... Huwag mo ako i-isumbong, a!" pagsuko niya sabay lapag ng mga gamit niya at bumalik sa kaninang kinakain.
Halata nga, baliktad pa nga ang damit, e. May mantsa pa ng lipstick, hilig talagang mag iwan ng mantsa sa damit no, halatang halata.
Alam ko naman na may namamagitan sa dalawa, ewan ko kung may label na o wala. Basta masaya ako para sa kaibigan ko, huwag lang siyang iiyak sakin, sasapakin ko. Alam naman na siguro ni Paulo, inaasar pa nga minsan e. Kaso baka hindi niya alam na dito natutulog si Josiah, aba patay na to kung sinabi niya sa Montenegro. Well, legal age naman na, pero still. Hindi parin magandang pakinggan na nagsasama sila pero hindi naman ata nila mahal ang isa't-isa, baka.

YOU ARE READING
Love At First Flight (Hernandez #1)
Teen Fiction"Our first love will remain our first, but will never be our last." ©️ Aijemie