TW: Death
They said happiness has consequences, they are right. Being happy will turn into a nightmare, a nightmare that will haunt us forever.
Nang sabihin sa akin ni Adrian na wala na ang kapatid ko ay unti-unting kinuha ng kalawakan ang lakas ko, hindi ako naniwala, dahil hindi naman totoo. Buhay ang kapatid ko, hindi patay si Lianna, buhay siya.....
Paulo drove me to our house when my mom called me, hindi ako hinayaan na umalis ni Paulo noong gabi na yon, hinayaan niya akong sumigaw at masaktan, hinayaan ko ang sarili kong magpira-piraso. Para narin akong pinatay, parang binawian din ako ng buhay.
Lianna is dead.
Wala na ang kapatid ko, wala na siya. Iniwan na niya ako, iniwan na niya kami. This is the reason why I don't want myself to feel the happiness on everybody. Everything has consequences and regrets. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog o nawalan ba ako ng malay kagabi.
Nakarating kami sa harap ng bahay, puti ang buong bahay, madami din nakaparadang sasakyan. Bakit ang hirap tanggapin? hindi ko kinakaya, hindi ko masisikmura lahat ng sakit na to. Ubos na ubos na ako, pagod na akong umiyak.
"Love, let's go–" nauna akong lumabas sakanya kahit nagsasalita pa siya, naglakad ako papunta sa harap.
Unti-unti akong nanghina nang makita ang isang kulay puting bagay na nasa harapan ng bahay namin, Mommy tried to hold my hand pero itinaboy ko ito, nanghina ako, Hindi ako makahinga ng maayos. Kung pwede lang na sabihing panaginip lang ito sasabihin ko, pero hindi. Wala na siya, wala na. I regret being their sister, wala akong nagawa upang maisalba ang kapatid ko. She's too young, kung sanang... ako nalang... ako nalang sana.
Unti-unti akong lumapit sa kabaong niya, hinaplos ko ito. "Lianna... tell me that this is a joke, hmm? bangon na... hindi ko kakayanin to, Lianna! Ate needs you, please baby, ate is here. Lianna! ang selfish mo... iniwan mo agad si ate, iniwan mo agad ako... You said, you will fight. Ang sabi mo kakayanin mo... madaya ka, Lianna! sobrang daya mo... Hindi ko t-tatanggapin to, Yssa... bangon na, hmm? bangon na!" humagulgol ako habang yakap-yakap ang kabaong ng kapatid ko, mommy is crying and Ly. I saw ate Silva walking out. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa luha ko, nilapitan ako ni mommy at ni Ly habang niyayakap ako.
Hindi ako tumigil sa kaiiyak hanggang sa maupo ako sa sahig, ubos na ubos na ako... How can I live without my sister? she's so unfair! sabi niya lalaban siya dahil gusto niya pa akong makitang mag-graduate. "Ilang days nalang ga-graduate na ako, Lianna. Kahit sa isang pagkakataon, bumangon kana.... Please? don't you want me to see walking in that stage? hmm? L-Lianna.... mahal na mahal kita, kapatid ko... kapatid ko.." Ly hugged me, mommy lose her consciousness. Daddy came to bring my mom in their room.
Habang umiiyak ako ay inaalo ako ng kapatid ko din umiiyak, Ly stood up, walking out. She's too young to see this, she's hurt. Sorry, Ly... ate can't do anything. Walang nagawa si ate, sorry baby, sorry... Sinisisi ko sarili ko, ang unfair-unfair! ang aga niyo siyang kunin sa amin.
YOU ARE READING
Love At First Flight (Hernandez #1)
Teen Fiction"Our first love will remain our first, but will never be our last." ©️ Aijemie