02

53 7 1
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, Kasabay naman nito ang pagtunog ng alarm clock ko, hudyat na nagsasabing alas sais na Lavigne gumising kana.

Kinabahan ako ng biglang mamatay ito, ano ba pipindutin ko palang eh. Napabalikwas ako ng bangon nang magbukas ang tv. Napatingin ako dito.

"Ano ba Lianna, you scared me!" Gulat kong sabi.

"Ate, it's time to get up. May pasok kapa. And may meeting kapa." Mapang-asar niyang sabi.

"Tawagan mo nalang ako kapag nagstart na 'yung meeting niyo, tutal uhm three hours lang pasok ko." I said while scratching the edge of my chin.

"Yep, kakain na pala. I made our breakfast." Bigla ko siyang hinawakan sa noo.

"Oh God, na engkanto kaba? anong nangyari sa'yo? ganyan ba epekto kapag inlove?" Tumawa ako, sinamaan naman niya ako ng tingin sabay hagalpak din ng tawa.

"Tara na nga, ate. Binabaliw mo ako eh." Anyaya niya sa'kin at lumabas na ng kwarto. Pero siyempre naghilamos at nag toothbrush muna ako ha.

Nagpaalam akong pupuntahan si Ly Ysabbelle sa kuwarto, Nadatnan ko si Ate Silva na kalalabas lang ng kwarto niya, she said she's still asleep, wala daw siyang pasok ngayon dahil tapos naman na daw exams nila, I nodded and went to her room to kiss her cheeks and forehead.

Nadatnan ko sa kusinang may kachat ata or katext si Lianna, nag t-type eh. Ngumingiti ngiti pa ang gaga, I suddenly smiled when I saw her sweet smiles, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganito,  A tear escaped in my eyes, If he is your happiness, I will support you until the end.

Nakita niya ako sa hagdanan na nakatingin sakanya kaya agad niyang itinago ang phone niya at tumingin ng alanganin sa'kin.

"A-ate!" Nautal kapa ha, huling huli na kita.

Tinabihan ko siya at nginitian, I kissed her cheeks.

"I love you." She smiled widely.

"I love you too, ate." She said.

Inaya kona ang mga kasama namin sa bahay, dahil wala naman kaming kasamang kumain kung hindi din sila, sanay na din kami. Kahit nandiyan sila mommy at daddy, hindi rin naman kami sabay sabay kumain, palaging busy o kaya wala. 

Napangiti ako ng mapait, I miss the old times. Noong hindi pa kami ganito kayaman. Laging alaga si mommy at daddy, lagi kaming namamasyal at nagkakasama. Yes, I am happy kasi nakamit na nila mommy at daddy ang pangarap nila, na maging mayaman.

Buti pa ang iba, even though they are not rich, magkakasama parin, I wish that someday they'll realize na, Kahit gaano kapa kayaman o kahirap, Pamilya mo parin ang tunay na kayamanan sa lahat, hindi pera, kagamitan o kumpanya. Kung hindi ang pamilya.

Tinapos nalang naming kumain at nag ayos na para pumasok sa eskwelahan. Nagsuot na ako ng uniporme at nag ayos na ng mga gamit ko, Inaya kona si Ate Silva at Lianna na umalis na.

"Ate? Can I ask you something?" Napatingin ako kay Lianna.

"Yes? ano?" I answered her while looking at my phone. Nagtext si Elireina, hinihintay na daw nila ako.

"Uhm, I saw a picture of a handsome man in your favorite book earlier, actually nahulog lang siya." Napatigil ako sa pagta-type at napatingin sakanya, biglang kumabog ang dibdib ko.

"Pero ibinalik ko din, That man looks familiar." Nakatingin sa harapan si Lianna kaya hindi niya nakikita ang ekspresyon ko.

Paulo Ethan

"And?" Pagtanong ko, baka may nakita pa siya.

"May sulat doon ate, date and year. Sa likod noong picture ha," Tinignan niya ako at kinagat ang kaniyang labi.

Love At First Flight (Hernandez #1)Where stories live. Discover now