Chapter 2

2 0 0
                                    

Parang ganado akong gumising sa mga nagdaang araw ng buhay ko. Di ko alam bakit.

As usual, pumasok ako ng school hindi para mag-aral kundi para maglakwatsa kasama ang mga barkada ko.

Pinahanap ko na rin kay Chester ang lalaking yun at ayun sa kanya ay John Knix Montemayor ang pangalan. At magkaklase pa kami sa Grade 12. Nice.

Di ko mapigilang mapangisi. Mwahahahah.

Humanda ka sakin Knix, pagsisihan mong binangga mo ako ng araw na iyon.

Pumasok ako sa isang major subject ko, nagulat nga si Panot kasi himala pumasok raw ako. Pakialam niya ba, ang boring niya kayang magturo at isa pa hindi siya ang dahilan kung bakit ako pumasok kundi itong lalaking to na nasa harap ko. Wala man lang pakialam itong nakasulat sa notebook niya kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ito at inapakan.

" Yan ang dapat maranasan ng mga taong nangbabangga sa'kin. Kulang pa nga yan sa ginawa mo ehhh."

Nakita ko ang gulat, lungkot at galit sa mga mata niya.

" Di ka ba natatakot?"

" Bakit naman kita katatakutan? Di ka naman Diyos. Isa ka lang hari na walang ginawa kundi umapi ng kapwang walang laban."

" Tsk, ang sabihin mo duwag ka lang." Mayabang na saad ko.

" Porket hindi lumalaban ang isang tao ibig sabihin duwag na, di ba pwedeng matapang siya dahil hindi niya pinapatulan ang mga taong hibang. Yan ang dapat pinapairal ng mga tao ngayon, imbes na magpakumbaba, nagpapataasan ng pride, tulad mo." Sabi nito at kinuha ang notebook niya na inapakan ko pa. Pinagpagan niya pa iyon at umalis na.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa nagawa ko. Hindi, hindi ko dapat maramdaman iyon sa isang walang kwentang lalaki.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon