Again, this was the time nung buhay pa si Knix at naging sila na ni Phine.
Bumabawi ako sa Special Chapter pero hanggang dito lang ang Special kasi tinatamad na talaga ako. Atsaka uunahin ko na yung mga modules ko, inaanay na nga ehhh.
Ayoko kasi na magalit kayo dahil sa mga bitin na scenes ng dalawa.
***
Nandito ako ngayon sa mall para isorpresa si Knix sa nalalapit na kaarawan niya. Ano kaya ang magandang ipanregalo sa lalaki?
Hmmm...
Marami nang stores ang napuntahan ko hanggang sa naagaw ng isang tarpaulin ang paningin ko.
Familiar.
Nilapitan ko iyon at nakangiting binasa.
Back to back Concert with April Boys and Aegis.
Dali-dali akong pumasok sa loob at bumili ng ticket. Siyempre VIP ang pinili ko para naman may chance si Knix na mayakap ang mga idol niya.
Napangiti ako sa nangyari. This is the most perfect gift ever. At kasabay pa ng concert ang birthday niya. Nakakatuwa.
***
Pinagbihis ko si Knix ng kahit ano dahil gwapo pa rin naman siya kahit mga dahon lang ang ipangtapis dito.
Pagkalabas ay nagulat siya kasi naka-dress raw ako, first time daw yun. Tsk.
" Wow..."
" Ok ba?"
" Ang ganda mo babe." Pambobola niya.
" Bola pa."
" Oyyyy di kaya, ngayon lang ko lang kasi kita nakitang nag-dress."
Alangan namang mag-dress ako sa paaralan, may tomboy ba na ganun?
Nasaan na ba isip ng lalaking to?
Pumasok na kami sa loob ng kotse at ilang beses na siyang tanong ng tanong, sinasagot ko naman na siya ng basta na nakangiti. Be patient.
Magsasalita na sana siya ng unahan ko na.
" Isang salita mo pa Knix, ihuhulog kita sa bangin."
" Babe naman, nagtatanong lang ehhh."
" Shut up ok, at malapit na tayo."
Tumahimik nga ito at sa ilang minuto lang ay nakarating na kami sa MOA.
" Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong niya.
" Bibitayin at kakatayin ka, gusto mo yun." Umiling siya.
" Then you should zipper your mouth Knix or tatahiin ko yan." Nagbabantang saad ko.
" Sungit talaga." Bulong niya na ikinairap ko.
Hindi na namin kailangang pumila dahil naka-VIP kami. Tahimik naman ang kasama ko sa likod. Nang bigla niya akong niyakap.
" This is the best gift ever. I love you Phine," at hinalikan ako sa noo.
Ngumiti lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob. At dahil VIP kami, nasa malapit lang sa stage ang pwesto namin.
Magkahawak pa rin ang kamay namin.
" Thanks babe."
" Welcome babe." Sabi ko.
🎶 Eto ako ohhhh, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan ahhhh.🎶 Kanta ng Aegis na sinabayan naman ni Knix hanggang sa matapos. Sunod naman ay ang April Boys.
🎶 Di maamin ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling.🎶Kanta ulit nila na sinabayan naman ni Knix. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakanta niya iyon.
Masaya ako kasi nakita ko siyang masaya. Sapat na sakin yun. Kontento na ako.
Hsnggang sa matapos ang mga ito ay nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya.
" This is the best day of my life. Nayakap ko pa ang mga idol ko at nakasama ko pa ang girlfriend ko sa pinakamasayang araw ng buhay ko."
Humiling kasi ako sa management ng concert na payagan si Knix makipagyakap at makipag picture sa kanila.
" Anything for the happiness of my man." Sabi ko.
" Pasensya na Phine kung kahit di man lang ako ang gumagastos sa mga pagkain o bayarin, nag-iipon kasi ako para sa future natin." Sabi nito sabay kamot ng batok niya, nahihiya.
" Hindi problema sakin ang pera Knix ang importante na makita kitang masaya kahit sa simpleng bagay lang." Sabi ko ng nakangiti.
Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
" Hindi ako nagkamali at nagsisisi na ikaw ang minahal ko at mamahalin hanggang sa huli, Phine." Sabi nito.
Me too Knix, me too. Mahal kita at hindi ko alam kung masusukat ba nun ang pagmamahal ko sayo.
____________________________________________________________________________
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Painful Goodbyes
Teen FictionLove hurt in every way. Yan ang ayaw maranasan ng isang tomboy sa buong buhay niya pero paano niya maiiwasang mahulog sa isang lalaking maysakit pala? Is her love enough just so that guy live longer? Date Started: March 18, 2022 Date Ended: March 19...