Chapter 17

0 0 0
                                    

Matapos nang klase ay magkikita kami ni Knix sa Cafeteria at sabay na pumunta sa trabaho namin sa isang bar.

Ako yung naglilinis at naghuhugas sa kusina habang si Knix naman na ang nasa labas.

Marami kasing mga lasinggo sa loob kaya di pumayag si Knix na doon ako sa labas.

Hindi na kami dumedepende sa mga magulang ko. Sila na nga ang nagpapa-aral sa mga kapatid ni Knix, dadagdag pa kami.

Kaya ang ginawa namin ni Knix, nagtrabaho kami sa isang bar, kailangan naming kumayod para sa kinabukasan namin.

Natapos ang shift namin ni Knix at lumabas na kami after naming magpaalam sa boss namin.

Hawak-kamay kaming lumabas papunta sa kotse ko. Ito pa rin yung kotse ko dati, di ako nagpabili kina Mom, masyadong magastos , atsaka isa pa, ok pa naman ang kotse ko.

" Umuwi na tayo babe, pagod na ako." Reklamo nito.

" Oo na," galit na saad ko.

Paano ba naman kasi may yumakap sa kanyang babae kanina pero parang wala lang sa kanya, kainis!

Naiinis talaga ako...

" Galit ka?"

Di ko siya inimik. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa apartment.

Iniwan ko siyang mag-isa doon at binuksan ang pinto sabay pasok sa kwarto namin.

" Babe, anong problema mo? Galit ka ba sakin?"

" Tsk obviously Knix?" Napapailing na saad ko.

" Galit nga, paano ba'to?" Bulong na sabi niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

" Bakit?" Paglalambing niya.

" Dahil nagseselos ako." Sigaw ko.

" Wag ka nang magalit babe, ikaw lang naman ehhh."

" Huhhhh! Ako lang talaga ha... Ehhhh bakit mo hinayaang akapin ka ng mga malalanding babae sa bar? Dahil gusto mo?" Galit na saad ko, halos mapaiyak na.

Niyakap niya ako sa likod pero tinutulak ko siya kaya lang masyado siyang malakas.

" Babe, kaya ako niyayakap ng babae dun dahil nahihilo siya, kailangan niya ng masasandalan."

" Bakit? Di ba pwedeng sa iba na lang?"

" Hindi pwede babe ehhh kasi masyadong busy yung iba at ako lang ang malapit sa kanya. Buntis kasi yung babae babe, sana naman naiintindihan mo ako." Sabi nito, lahat ng galit at inis ko sa kanya ay biglang nawala ng marinig ko iyon.

" I'm so proud because I have you." Sabi ko at hinarap siya. Hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya.

" Di ka na galit?"

" Di na po..." Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Binuhat niya ako at nagtatalon-talon sa tuwa.

Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin once na mawala ang lalaking to sakin.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon