Chapter 20

0 0 0
                                    

This is the last chapter, thank you for joining with me until the last chapter of my story. Madami po akong natutunan dahil sa story na'to. Sana kayo rin.

Next po nito ay Epilogue na...

***

Isang buwan akong nagkulong sa loob ng kwarto ko, hindi ako lumabas, hindi ako pumunta sa lamay at libing ni Knix.

Inom lang ako ng inom ng alak. Araw-araw.

Ilang beses nagtangkang pumasok sila Mommy pero di ko pinagbigyan. Hanggang sa hindi na nila kinaya at sinira na ang pinto ko.

Mom and Dad was shocked.

Sino ba naman ang hindi? May mga botelya ng beer na nagkalat, ang iba basag pa. Ang mga gamit ko nagkasira-sira na. Ako eto, nakahubad, walang saplot.

" MARIA ELIZABETH DAPHINE. WHAT HAVE GOTTEN IN YOUR MIND?" Tanong ni Dad sakin ng pasigaw pero di ko pinansin.

Binangon ako ni Mommy at pinatungan ng tuwalya.

" Anak ano bang nangyayari sayo? Your Dad and I can't stop thinking about you Phine."

Nakatulala pa rin ako.

" Di ito magugustuhan ni Knix, Phine. Dapat nandun ka sa school, nag-aaral, nag-eenjoy."

At dahil dun unti-unting tumulo ang mga luha ko pagkarinig na pagkarinig ko palang sa pangalan niya.

" Mom ang sakit! Ang sakit sakit Mom." Sabi ko at yumakap kay Mommy.

" Nasaktan din naman si Knix, Phine kaya lang pagod na siya Phine, pagod na siyang labanan ang sakit niya, pagod na siyang makipaglaban para iyo."

" Mom nakakapagod ba akong intindihin?"

" Anak, no! Kahit kailan hindi niya sadyang masaktan ka di na talaga kaya ni Knix, gusto na lang niyang magpahinga tutal nasa mabuting kamay naman na ang mga mahal niya sa buhay."

Mas lalo akong napaiyak.

" Anak diba sabi ni Knix na hindi ka pwedeng umiyak kasi masasaktan siya, tahan na baby." Pag-aalo ni Mommy sakin.

May sinabi si Mom kay Dad at binigay naman niya sakin iyon.

" Here, watch this Phine."

May inilagay si Mom sa palad ko, may nilapag sa paanan ko at umalis na.

I turned on the light and tiningnan yung camera

I play it. In the first seconds itim pa hanggang sa nakita ko na ang mukha ni Knix.

Natutulog pa ako nun, and it shooted 3 am, madaling-araw.

" Ohhhh nagplay na pala." Natawa ako dahil di niya alam na nagplay na pala.

" Hi babe."  Sabi nito ng mahina at tinapat pa talaga sa mukha ko yung camera, nanghihilik pa ako niyan.

Ang dami talagang kalokohan ng lalaking to.

" Alam ko babe na once na makita mo na ang video na ito ay wala na ako..."

Unti-unti na namang tumulo ang luha ko habang pinapanood siya.

" Anyway, I just wanted to say thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Thank you kasi minahal mo ako. Thank you sa care, thank you sa lahat-lahat. Hindi pa sana madadagdagan ang buhay ko kung hindi ka dumating. Hinding-hindi ko pagsisihan na minahal kita at mamahalin pa. Alam mo halos maduling na ako sa kakatingin sayo kasi gusto ko na hindi makalimutan ang mukha mo hanggang sa huli kong hininga ay ikaw pa rin babe. Phine, ipagpatuloy mo ang buhay mo ng wala ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal. Lumalala na ang kondisyon ko. Hindi ko na matutupad ang pangako kong magpapakasal tayo at bubuo ng sariling pamilya. Wala na ehhhh. Tanggap ko na na hanggang dito na lang ako, na hanggang dito na lang tayo. Masakit man para sa'king iwan ka Phine pero masaya ako na nangyari ang lahat ng to. Sino ba naman kasing maniniwala na ang isang tomboy na katulad mo, walang pakialam sa mundo, minahal ang isang taong malapit nang mamatay. Isn't that cringe? Pero walang impossible sa pag-ibig kasi kahit na sa maliit na nangyari sa'tin ay isa nang biyaya para sakin. Hindi man kita makakasama sa pagtanda Phine pero lagi mong tandaan, I'm always at your side, watching you. Wag ka nang umiyak Phine, masasaktan ako. I love you so much Phine, ikaw lang hanggang sa susunod kong buhay."

Tulo ng tulo ang luha ko, masakit sa totoo lang pero kailangan kong tanggapin na wala na siya. Wala na ang lalaking naging dahilan kung bakit patuloy sa pagtibok ang puso ko.

Wala na.

Tiningnan ko ang inilapag ni Mom sa paanan ko.

It was a scrapbook.

Binuksan ko iyon at tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.

" Memories with my babe." Ang nakasulat sa unang pahina.

Marami pa ang nakasulat doon pero di ko na pinansin.

Binuklat ko ang scrapbook at natatawang umiiyak kasi ito yung time na pumunta kami ng amusement park para magliwaliw.

Picture doon, picture dito.

Natawa pa ako kasi may litrato ako doong parang baliw kakatawa.

May ice-cream pa sa mukha...ksksks. Walanghiya talaga yung lalaking yun...

Bawat monthsary namin may litrato kahit noong nasa ospital na siya at nanghihina. Mas lalo akong napahagulhol kasi kahit na hirap na hirap na siya ay pinipilit niya pa ring makuhanan kami ng litrato habang tulog. May magkahawak-kamay pang nalalaman ang lalaking to.

Nung nasa last na pahina na ako ay mas lalo akong napahagulhol.

" Memories with my future wife."

" Babe, please take care of this scrapbook, this is my last memory with you together with the video."

" I love you babe, I always will."

Umiyak ako ng umiyak ng araw na yun hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako na namumugto ang mata.

Tinawag ko ang mga maid at pinalinis ang kwarto ko. Tumulong din ako, nagwalis, nagpunas, nag-ayos ng kurtina, sa pagpalit ng bed sheet. At nung mapagod ay nakatulo ako.

Nagising na naman ako kinabukasan. Tsk.

Naligo na ako at nagbihis, bumaba ako at pumuntang dining hall. Isang yakap ang sumalubong sakin, mainit na yakap.

" Mom, tama na ang drama ok, iiyak na naman ako nito sayang ang make up ko." Sabi ko.

Napatawa na lang si Mommy.

" Nagbago ka na nga talaga anak, parang kahapon lang ang tigas ng ulo mo at lalaking-lalaki ka pa, pero ngayon isa ka nang ganap na babae." Sabi ni Mommy, nginitian ko lang siya.

Nag-usap kami ng kaswal at tinanong ko rin kung na'san inilibing si Knix.

Ngayon buo na ang loob at desisyon ko.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon