Chapter 12

0 0 0
                                    

Dumating na ang pagkain namin kaya pinunasan ko ang luha ko. Tahimik kaming kumain ni Knix. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang balcony at mula sa pwesto namin ay kitang-kita namin ang syudad sa ibaba. Nasa tuktok kasi kami ngayon ng bundok nakapwesto.

Nakatulala lang ako pilit dina-digest lahat ng mga sinasabi ni Knix.

Matagal na siyang may gusto sakin?

" Bakit ayaw mo akong lapitan? O magbigay man lang ng motibo?"

" Ayokong mahulog ang loob mo sa'kin Phine, ayokong may maiwanan. Natatakot ako na baka pag nahulog na ang loob mo sakin ay masasaktan ka, ayoko ng ganun Phine, gusto kong mawala sa mundo na walang nakakamiss sa'kin." Sabi nito.

" Nasaktan mo na ako Knix at patuloy na masasaktan pero kahit na ganun Knix, di man lang nabawasan ang pagmamahal ko sayo, mas nadagdagan nga ehhh. Di ko alam kung bakit ako nahulog sa'yo basta isang araw, nagising na lang ako na lunod na lunod na sa pagmamahal sayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Hinila niya ako at pinapaupo sa isang bangko.

" Naalala ko na naman yung mga araw na palagi kitang sinusundan, di mo ako maramdaman kasi busy ka sa mga kabarkada mo. May time nga na nagseselos ako kasi dapat di ka nila hinahawakan pero napapaisip ako, sino ba ako sa buhay ng babaeng mahal ko? Ehhh di niya nga ako kilala." Natatawang pagkukuwento niya.

" Ikaw pala yung lalaking parating nakikita ni Chester na nakasunod sa amin parati. Yung naka-hoodie. Kaya pala. Hinabol ka pa nga nila noon ehhh kaya lang di ka nila naabutan kasi ang bilis mong tumakbo." Natatawang pahayag ko, natawa rin siya sa sinabi ko.

Naging seryoso ang mukha niya at...

" Mahal na mahal kita Phine at ang pagkakilala ko sa'yo na naging dahilan ng pagkahulog ng puso ko ay siyang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Inangat ko ang tingin ko at napasinghap. Nakita kong may dugong tumulo sa ilong.

" Shit!"

" Wag kang magmura sabi." Pigil hiningang sabi niya.

Dali-dali akong nagmaneho hanggang sa makarating kami sa ospital. Patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa ilong niya hanggang sa madala siya sa ER.

Makalipas ang 2 oras ay lumabas na ang doctor.

" Mabuti na ang naging lagay ni Knix, Phine pero hindi dapat tayo ay magpakampante Phine, kailangan na talaga niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Mas lalong lumalala ang mararamdaman niya sa susunod pang mga araw. Kulang ang chemotherapy kaya tatanggalin talaga namin ang tumor na nasa utak niya. Hindi madali ang operasyon sapagkat 20% lang ang pagkakataon para mabuhay ang pasyente."

" Why not now Doc?" I hissed at him.

" Kailangan nang malaking pera para sa ganyan Phine--"

" Babayaran kita, babayaran ko kaya, pera lang naman ang problema, marami ako niyan, pagalingin niyo lang ang mahal ko Doc. Nagmamakaawa ako."

" I'll do my best Ms. Estrella, please excuse me."

At iniwan na ako ng doctor sa may hallway na nakaupo sa sahig habang umiiyak.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon