Chapter 10

0 0 0
                                    

Agad kong dinala sa Clinic si Knix at ang sabi ng nurse ay dahil lang daw ito sa sobrang pagod.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko malala ang lagay niya. Umalis muna ang nurse kasi may pupuntahan lang daw.

Umalis na din muna ako saglit para bilhan si Knix ng makakain.

Ako ang nagbantay kay Knix buong magdamag sa Clinic hanggang sa nagising siya.

" Sino ka?" Nakakunot na saad niya.

" Knix, ako si Daph."

" Daph?"

Nakalimutan niya agad ako? Paano nangyari yun? Tsk.

" Ahhh oo, Daphine," sabi niya na nakakunot ang noo

" Kaano-ano ba kita?" He asked.

Bigla na lang may kung anong kirot akong naramdaman sa sinabi nito. Did he just forgot who I am?

What the hell is happening?

Lumapit sakin ang nurse...

" Uhm Ms. Estrella, kailangan niyo pong madala sa ospital si Mr. Montemayor, nagsusuka po kasi siya ng dugo kanina."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nurse. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba na sa muling pagkakataon ay naranasan ko na naman, una ang iyong sa nakababata kong kapatid at pangalawa si Knix.

Agad kong binuhat si Knix at isinakay sa wheel chair. Kailangan pa niyang turukan ng pampatulog para kumalma. Nagwawala kasi siya kanina. Pati pangalan niya di na niya alam.

Ano bang nangyayari kay Knix? Umiiyak ako habang nagmamaneho patungo sa pinakamalapit na ospital sa lugar.

Pagkarating namin ay agad akong humingi ng tulong kaya agad naman na silang naglabas ng stretcher at inihiga si Knix doon.

Pinagsalikop ko ang kamay ko, nagdadasal habang umiiyak.

Dinala si Knix sa ER ng hospital. Naghintay naman ako sa labas.

Ilang oras lang ay lumabas na ang doctor.

" Are you his relative?"

" Friend po."

" Let me tell you straightly Miss, malala na ang lagay ng kaibigan niyo. Halos dalawang taon na pala niyang iniinda ang Glioblastoma. It is a type of brain cancer. It's the most common type of malignant brain tumor among aduts. And it is usually very aggressive, which means it can grow fast and spread quickly. Although there is no cure, there are treatments to help ease symptoms."

" Ano pong ibig sabihin niyo Doc?" nagtatakang tanong ko.

Huminga muna ng malalim ang doctor bago niya sinabi sakin ang sakit ni Knix.

" Knix has brain tumor Miss. There is no cure for that, maliban sa pagche-chemo therapy. But chemo therapy is dangerous, it can kill normal cells too."

Napahagulhol na ako sa sinabi ng doktor.

" Doc, gawin niyo po ang lahat mabuhay lang siya, please Doc, please."

" Isa sa sintomas ng sakit niya ay ang madalas na pagsakit ng ulo, pagdurugo ng ilong, pagsusuka ng dugo at pagkawala ng mga memorya. Tinatarget kasi ng cancer cells na'to ang mga healthy cells ng utak kaya naapektuhan ang memorya niya."

Mas lalo akong napaiyak, kaya pala, kaya pala parati na lang siyang nakahawak sa ulo niya.

Nakakaramdam na pala siya ng ganun.

Matapos kaming mag-usap ng doktor ay umalis na siya dahil may aasikasuhin pa siya.

Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Knix. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

" Knix please live, hindi para sakin kundi para sa kapatid mo. Kahit na, makalimutan mo ako wag lang kapatid mo." Naiiyak na saad ko habang hawak ang kamay niya.

" Daph, Daph!" Nagsisigaw na tawag niya sa pangalan ko.

" Knix its ok, nandito lang ako Knix, di kita iiwan."

Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sakin.

Bigla na lang tumulo ang luha niya at niyakap ako.

" Phine..." Iyak na saad niya.

" Phine don't leave me, Phine, please." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Napaluha ulit ako dahil sa sitwasyon ni Knix, marami kasing nakakabit na kung anong apparatus sa kanya.

Kung sana, kung sana pwedeng mapunta na lang sakin ang sakit niya o di kaya'y paghatian naming dalawa para man lang mabawas-bawasan ang iniinda niya.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon