Chapter 9

0 0 0
                                    

Pati siya ay natigilan sa sinabi niya. Napakurap-kurap ako.

" Kuya sino yan?" Tanong ng isang bata.

" Kaibigan ko Jase."

Wahhhh si Jase!

Lumabas siya at nanlaki ang mata niya sakin.

Niyakap niya agad ako.

" Wag mong sabihin Jase na ako ang nagbigay ng pera sa inyo, ok!?" Sabi ko at tumango naman na siya.

" Magkakilala kayo?"

" Opo Kuya, si Kuya po ang ano..."

Mag-isip ka Phine.

" Ang ano?" Nagtatakang tanong ni Knix.

" Ang tumulong sa'min para magulpi yung nang-away sa'min Kuya."

Pinandilatan ako ng mga mata ng lalaki kaya inirapan ko lang siya.

" Hindi niyo dapat ginawa yun Jase, diba masama ang makikipag-away sa kapwa? At isa pa, hindi Kuya ang itawag niyo dito. Dapat Ate Daph."

" What?! Seriously Knix. Look at my outfit. Can a girl wear this outfit? And look my hairstyle, tsk. You're blind Jhon Knix, blind."

" Oo na lalaki ka na kaya makakaalis ka na." Sabi nito at pumasok na sa loob. Ang bastos niya ahhh.

Lumapit sakin si Jase at hinawakan ang laylayan ng damit ko.

" Ate Phine di ba sabi mo isasakay mo ako sa kotse mo?"

Ay oo nga pala, nakalimutan ko.

" I'm sorry Jase nakalimutan ko. Halika, pasok... Yahhhh!" Sabi ko at isinakay nga siya. Manghang-mangha ang bata base sa mukha niya. Nakikita ko rin ang kasiyahan.

Dumiretso ako sa mall at binilhan siya ng mga damit.

" Naku po Ate Phine baka magalit si Kuya Knix kasi po ang dami pa naming damit nagpapabili na naman."

Napatawa ako sa sinabi niya.

" Hayaan mo siya pag pinagalitan ka, suntukin mo." Napangiwi ang bata at tumango-tango pa habang nakangisi.

Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan ko na rin na umuwi at iuwi ang bata. Di na ako nag-abala pang magpaalam kay Knix kasi busy siya sa loob ng bahay nila, nagluluto. Kaya kay Jase na lang ako nagpaalam. Hindi ko alintana na mapagalitan ako ng mga magulang ko kasi wala din naman sila, twice a month lang kung sila'y umuuwi kaya mga maids lang ang kasama ko.

***

" Knix basahin mo nga kung ok na ba'to." Sabi ko sa kanya.

" Sige Daph."

Hindi ko alam kung bakit nakayuko siya, parang naiilang na tingnan ako. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

" Magaling Daph, ok na siya. Sa thesis na naman tayo." Sabi nito.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako ng room at nakita ko na nakaabang sakin ang mga barkada ko.

Bigla silang napaatras sa kanilang nakita.

" Bakit Chest?" Tanong ko.

" You look different Boss. Nasaniban ka ba?"

Ehhh ano namang problema kong naka-dress ako, may kakaiba ba dun?

Tsk.

" Ewan ko sa inyo, dyan na nga kayo."

Iniwan ko ang lima na nakatulala sa hallway.

Agad akong pumunta sa Library at nagsimula na naman kami ni Knix para sa thesis ko.

Lumabas kami ng building at pumunta sa may garden.

" Sige mag-ensayo ka kung paano mo magsalita sa harap ng mga tao." Sabi nito.

Nag-ensayo na ako pero panay ang reklamo niya.

" Ang ganda mong babae pero lalaki ang boses mo. Ayusin mo ng yan."

" Oo na, kainis naman." Sabi ko.

" Ugh, napapagod na ako. Huhu."

" Daph paano ka gagraduate niyan kung kahit na sa pagsasalita lang ay di na maayos." Sabi nito.

" Pwede relax mo na tayo Knix, nakakapagod kaya." Sabi ko.

Tumango lang siya.

" Nasaan na pala mga magulang mo?" I asked.

" Nasa langit na sila, namatay silang dalawa dahil napagbintangan silang nagbebenta ng droga kahit hindi naman, tinorture, hanggang sa di nila nakayanan kaya namatay silang dalawa. Ako na lang ang naiwan para sa aking mga kapatid. Ako ang tumayong mga magulang nila kahit na hirap na hirap na ako sa pagtatrabaho."

" Alam na ba nila Jase ito?" I asked.

" Alam na nila Phine, naiintindihan nila." Sabi niya.

" May sasabihin ako sayong importante Knix, ayoko ng itago pa sa sarili ko ito, nagmumukha lang akong tanga. Mahal kita Knix sobra, there I said it."

" Phine di pwede Phine, bawal Phine." Sabi niya at tatayo na sana ng bigla siyang matumba at may dugong lumabas sa ilong nito.

" Shit, Knix."

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon