Chapter 18

0 0 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay mas lalo pa kaming tumatag. Ilang mga monthsary na ang dumaan sa buhay namin.

10 buwan na kaming magkarelasyon ni Knix. Sa 10 buwan na yun ay di mawawala ang away-bati na relasyon namin. Pero kahit ganun, di pa rin namin hinahayaan na hindi kami magbabati. Kahit na madaling-araw, walang tutulog-tulog hangga't di magkakabati.

Nandito kami ngayon sa isang maliit na burol na may dalawang puno na nakatanim. Nasa likod ng school.

Magkahawak ang kamay, nakasandal sa puno at ninanamnam ang simoy ng hangin.

" Alam mo babe, nakikita ko na sayo ang magiging asawa ko in the future. Pag makapagtapos na tayo babe, at magkaroon ng stable na trabaho, yayayain na kitang magpakasal." Sabi nito.

" Papakasalan mo kaya ako babe?" He asked.

" Bakit naman hindi, ayoko ng humanap pa ng iba Knix, ikaw na ang buhay ko. Mawala man ang isa sa atin pero ikaw pa rin ang mamahalin ko." Sabi ko.

" Mahal na mahal kita babe, ikaw lang ang babaeng dadalhin ko sa altar. At gagawa tayo ng 10 anak, 5 lalaki at 5 babae, para isang buong team ng basketball at cheerleaders."

Kinurot ko siya sa tagiliran.

" Anong akala mo sakin inahing baboy?" Inis na saad ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

" Wag ka nang magalit, gusto ko lang naman nang maraming anak para naman may katulong ka sa mga gawaing bahay at isa pa para maging masaya naman ang bahay natin. Malungkot kasi pag dalawa o di kaya'y tatlo." Sabi nito.

Ginulo ko ang buhok niya at pinatakan ng halik sa ulo.

" 5 na lang, baka di ko kayanin ehhh, at isa pa baka naman may pinaplano kang palitan ako dahil ang pangit ko na nun." Emosyonal na saad ko.

" Pumangit ka man, tumaba o tumanda babe, ang pusong to ay hindi titigil sa pagtibok para sa'yo." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

____________________________________________________________________________

Don't forget to follow me...

Luvlots Caps😘...

Painful GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon